ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang Philippine Eagle na napisa at lumaki sa loob ng hawla


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba kung ano ang pangalan ng kauna-unahang Philippine Eagle na matagumpay na napisa at napalaki sa Philippine Eagle Center sa Davao City? Ngayong Enero ay nagdiwang ng kanyang ika-20 taong kaarawan si “Pag-Asa," ang kauna-unahang Philippine eagle na napisa at napalaki sa loob ng malaking hawla sa Brgy Malagos, Davao City. Sinimulan ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang captive breeding program ng naturang uri ng agila noong 1990’s dahil nanganganib na ang populasyon ng mga ito. Tinayang nasa 500 pares na lamang ang populasyon ng Philippine eagle (Pithecophaga Jefferyi), na sinasabing makikita sa kagubatan ng Southern at Northern Mindanao, at maging sa Leyte. Mula nang umpisahan ng PEF ang programa, umabot na sa 23 agila ang napisa at napalaki sa eagle center sa Malagos. -- FRJ, GMA News