Pulis, itinangging nagtatago si Palparan sa Aurora
Pinabulaanan ng Aurora provincial police office ang kumakalat na usap-usapang nagtatago umano si Retired Major General Jovito Palparan sa isang resort sa lalawigan ng Aurora. Kumalat ang balita tungkol kay Palparan matapos umano ipinagbawal ang pagpasok ng mga bisita sa isang resort sa Aurora, at pagbawalan na lumapit ang mga mangingisda doon. Sa panayam ng GMA News, inihayag ni Aurora Provincial Police director Senior Superintendent Benjamin Hulipas na hindi nila namataan doon ang puganteng dating opisyal ng militar. Ayon sa kanya, negatibo ang resulta sa isinagawa nilang raids sa mga hotel at travellers' inn ng Aurora, kabilang na ang nasabing resort. "Immediately ng matanggap namin ang information na [namataan doon si Palparan], pinakilos ko ang mga pulis ng Aurora at yung initial na lakad nila, yung verification, yung veracity ng report na yun e negative naman, wala si General Palparan sa sinasabing lugar na yun," ayon kay Hulipas. Kasalakuyang nagtatago si Palparan matapos maglabas ang Bulacan court ng arrest warrant laban sa kanya at dalawa pang militar sa kasong kidnapping at serious illegal detention ng dalawang aktibistang mag-aaral noong 2006. Nanawagan naman si Nueva Ecija 7th Infantry Division Public Affairs Office Acting Chief Major Enrico Gil C. Ileto na lumantad na si Palparan upang harapin ang mga paratang sa kanya. "We fully trust the justice system and believe in the due process of law. The Armed Forces of the Philippines (AFP) believes that retired Maj. Gen. Palparan should turn himself in and answer all allegations hurled against him. It would be better for him to face the case and take the opportunity of proving that he is not guilty," aniya. Itinanggi rin ni Ileto ang paratang na itinago ng militar si Palparan. Binigyang-diin niya na isang propesyonal na organisasyon ang AFP. "Retired Maj. General Jovito Palparan is no longer in the active military service. The AFP has no hold on him being a civilian. Meanwhile, the AFP has already facilitated the turn over of the two (co-accused) active personnel, namely Lt. Col. Felipe Anotado Jr. and S/Sgt. Edgardo Osorio, to the authorities for proper disposition," aniya. Dagdag pa niya, "The AFP is a professional organization composed of disciplined and law abiding soldiers. It is not the policy of the AFP to coddle and provide safe harbor to any person wanted by law." Kanya ring inihayag na handang tumulong ang militar sa paghahanap kay Palparan. "Our unit commanders have disseminated the "lookout bulletin" to Army headquarters; and our soldiers will inform proper authorities if they will spot Palparan in their duty assignments," aniya. Kabilang si Palparan sa mga inakusahan sa pagdukot noong 2006 kay na Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, dalawang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. Hanggang ngayon, nananatiling missing ang dalawang biktima. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News