Misis ni Onemig Bondoc na ka-double ni Rachel Weisz, nahihiyang ikumpara siya sa Hollywood star
Tulad ng ibang Pinoy artists na nakasali sa Hollywood movie na The Bourne Legacy na ginagawa ang shooting sa Pilipinas, nag-audition din ang misis ni Onemig Bondoc na si Valerie Bariou-Bondoc para maging ka-double ni British actress na si Rachel Weisz.
Sa panayam ni GMA News reporter Ian Cruz, sinabi ni Valerie na magandang experience para sa kanya ang makasama sa naturang action movie.
Kamakailan ay kinunan na ang eksena ni Valerie bilang double ni Rachel sa shooting na ginawa sa Agham Road (malapit sa Napocor compound) sa Quezon City.
Kahit marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig nila ni Rachel, sinabi ni Valerie na hindi siya dapat ikumpara sa sikat na Hollywood actress.
“She’s so pretty, she’s big Hollywood star. I wouldn’t want to say that I look like her," pakumbaba niyang pahayag sa Star Bites ng Balitanghali ng GMA News TV nitong Martes.
Si Onemig ay dating matinee idol na sumikat sa youth oriented show noon ng GMA 7 na TGIS.
Matapos ang shooting sa Agham, Quezon City, inihahanda naman ang Navotas Fish Port na magiging sentro ng produksiyon ng The Bourne Legacy.
Sa nasabing ulat, babayaran umano ang mga tao sa fish port na maaapektuhan ang negosyo sa gagawing shooting.
Maging ang mga residente sa lugar ay excited sa shooting sa pag-asang makukuha silang extra at kumita kahit kaunti. -- FRJ, GMA News

advertisement
advertisement
advertisement