ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bar na "CLOSE-OPEN" ang kalakaran sa Imbestigador


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pa-“big night” ng isang bar sa Subic, Zambales ang naispatan ng Imbestigador. Ang kanilang handog, espesyal na palabas daw para sa kanilang mga parokyanong kalalakihan. Ang mga biktimang kababaihan, hubo’t hubad na nagsasayaw sa entablado. Pamilyar na kalakaran na tila hindi matuldukan!   Matatandaang noong nakaraang taon lang nabisto na ng Imbestigador ang ilegal na pagtatanghal ng Calesa Bar, kaya naman agad itong naipasara ng lokal na pamahalaan. Pero tila balik na naman ito sa dati nitong gawi, kaya naman muli naming inimbestigahan ang pasaway na bar. Base sa aming pagsisiyasat, isang kagawad umano ng barangay ang nagmamay-ari ng Calesa Bar. Ito rin kaya ang dahilan kung bakit tila di tuluyang maipasara ang bahay-aliwan? Ang masaklap pa, ilang menor de edad na nagtatrabaho umano sa bar na ito ang naabutan ng mga operatiba. Bakit nga ba close-open ang ang bar na ito?   ‘Yan at iba pang reklamo ng panloloko, tutukan ngayong Sabado sa IMBESTIGADOR.