ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bahagi ng Session Road sa Baguio, isinailalim sa ‘eksperimento’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang oras na isinara sa mga motorista ang ilang bahagi ng Session Road sa Baguio City nitong Biyernes para bigyan ng pagkakataon ang mga tao na malayang makapaglakad sa lugar. Layunin ng ginawang “eksperimento" na maipadama sa mga tao kung ano ang sitwasyon sa Session Road noong panahon na hindi pa problema ang bigat ng trapiko sa lugar dahil sa dami ng mga sasakyan. Ayon kay Architect Joseph Alabanza, Baguio Centennial commissioner, tila nawawala na sa isipan ng mga tao ang itsura ng Session Road noon. Dati ay malaya ng umanong nakapaglalakad ang mga tao nang walang problema sa mga sasakyan. Ilang oras lang na isinara ang ilang bahagi ng Session Road sa mga sasakayan, pero kapag naging positibo ang reaksiyon ng mga tao dito ay maaari itong ipagpatuloy. Ang Session Road ay isa sa mga landmark sa Bagiuo City na kinikilalang “summer capital" ng Pilipinas. Sinabi naman ni P/Supt James Logan, hepe ng Traffic Management Bureau ng Baguio City, na nakahanda silang umayuda sakaling sumikip ang daloy ng trapiko. -- CVictorio/FRJ, GMA News