ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Best Men, tutulungan ang isang tambay na maging Matuwid na Adan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BEST MEN RAMIL Airing date: February 6, 2012   Walang silbi sa pamilya, dahil walang trabaho. Ang kanyang opisina, ang kalsada. Ang kanyang trabaho, mamerwisyo ng mga tao.  Kaya naman para matuldukan ang gawaing ito ni Ramil, 30 taong gulang, gagawa ng isang natatanging paraan ang Best Men para ituwid ang maling landas na tinatahak ni Ramil at para matuldukan na ang problema ng kanyang pamilya at komunidad.   Pagkatapos niyang makuha ang diploma sa high school, kaysa tumuntong sa kolehiyo, mas pinili niyang mag-master ng pagtatambay sa mga tindahan at pananakot sa mga taong pumapalag sa kanya! At dahil sa dami ng reklamong kanyang natanggap, tiyak summa cum laude siyang maituturing sa larangang ito!     Sa pagtugon ng Best Men team sa problemang ito, pipilitin ng programang mabago ang landas ni Ramil sa pamamagitan ng isang bagong tambayan: tambayang mapagkakakitaan! Pero bago niya matanggap ang tulong at surpresang ito, kailangan muna siyang humingi ng dispensa sa kanyang pamilya at ka-baranggay. At higit sa lahat, kailangang maipakita ni Ramil na kaya niyang magbago at tuparin ang pangako tungo sa pagiging isang matuwid na Adan!   Abangan ang isa na namang ma-aksyon at ma-dramang pagtulong ng Best Men Team sa mga "bro" nating naliligaw ng landas! Saving the World One Bro at a Time! Mapapanuod ang Best Men ngayong Lunes, 1030pm sa numero unong news channel sa bansa: GMA News TV Channel 11!  
Tags: plug