ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga aksidente ng motorsiklo sa 'Rescue'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
RESCUE Airing date: Feb. 9, 2012   HIT AND RUN Isang kuwarenta’y uno anyos na lalaki ang sumalpok sa isang pedicab habang minamaneho ang kanyang motorsiklo. Sa lakas ng impact, tumilapon siya at nahagip naman ng isang dumaraang pick-up na agad ding umarangkada palayo.   Dahil sa barangay itinawag ang aksidente, hindi na sila nag-aksaya ng oras at agad rumesponde. Gamit ang spineboard ng kanilang barangay, itinakbo ang biktima sa pinakamalapit na ospital.   Makaligtas pa kaya siya sa bingit ng kamatayan? Managot kaya ang itinuturong salarin lalo pa’t nakuha ang plate number ng kanyang sasakyan matapos niyang takbuhan ang responsibilidad?   DOUBLE RIDER Sa intersection naman ng Cambridge Street corner New York Avenue sa Quezon City, isang motorsiklong may dalawang sakay ang nahagip ng isang AUV. Tumilapon ang mga biktima kaya naman dalawang ambulansiya ang kinailangang rumesponde.   Isang saksi sa aksidente ang tumawag ng tulong sa kalapit na barangay na agad namang tumulong para lapatan ng first aid ang mga biktima. Dumating din ang Quezon City Rescuepara sa mas mabilis na paggamot at pagdadala sa mga biktima sa ospital.   Panoorin kung paano nirespondehan ang dalawang insidenteng kinasangkutan ng motorsiklo ngayong biyernes, sa Rescue, pagkatapos ng Saksi!
Tags: plug