ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kambal na guya sa Pangasinan, ipinangalan kina Miley Cyrus at Taylor Swift


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bihira umano na magsilang ng kambal ang isang baka kaya naman binigyan sila ng espesyal na pangalan ng kanilang amo sa Pangasinan. Miley Cyrus at Taylor Swift, ang naisip na pangalan ni Christopher Mangabay, sa kambal na guya, na isinilang sa Malimpuec, Lingayen sa lalawigan ng Pangasinan. Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang isilang ang kambal na guya mula sa inahing baka na pinangalanan ni Mangabay na si "Madonna." Tuwang-tuwa si Mangabay dahil ito na ang ikatlong pagsilang ni Madonna ng kambal na guya. “Swerte ‘yan, blessing pa na binigay sa akin," ani Mangabay na isang music lover. Paliwanag ng eksperto, katulad ng tao ay bihira lamang na magsilang ng higit sa isa ang baka. “Normally ang anak ng baka isa lang, pero yung nanganak ng dalawa ay nagkaroon ng super ovulation, naging dalawa ang egg cell na na-fertile kaya naging twin," paliwanag ni Dr. Eric Perez, Provincial Veterinarian. Ngunit bago isilang ang mga guya na sina Miley Cyrus at Taylor Swift, naunang isinilang ang kanilang mga kuya at ate na pinangalanan ni Mangabay na sina Lady Gaga at Bruno Mars. -- Joyce/Daryl/FRJ, GMA News