ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kasunod ng lindol sa Visayas: Earthquake drill, isinagawa sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Visayas, nagsagawa ng earthquake drill ang rescue unit sa Davao City. Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing itinuro sa mga mag-aaral ang mahinahong paglabas ng gusali sakaling may nagaganap na lindol. Idinagdag ng Davao City Central 911, na kung hindi kaagad nakalalabas ng gusali ay makabubuting kumubli muna sa matibay na upuan o lamesa. Dapat din umanong may nakahandang escape plan upang mabatid ng mga tao kung saan dadaan kapag mayroong emergency situation. Ipinagmalaki ng rescue team na de-kalidad ang kanilang mga gamit sa pagliligtas at dumadaan sa masusing pagsasanay ang kanilang mga tauhan. Nitong Lunes, nasa magnitude-6.9 ang lindol na naramdaman sa ilang lugar sa Visayas tulad ng Iloilo, Dumaguete City at Cebu. Umabot na sa mahigit 40 katao ang nasawi. - FRJ, GMA News