GMA News Online
Ulat Filipino
»
Iloilo

Trabaho sa Hall of Justice sa Iloilo City, kanselado dahil sa bitak na nakita sa gusali

February 9, 2012 11:28pm

Kinansela ang lahat ng pagdinig sa Hall of Justice sa Iloilo City hanggang sa Biyernes matapos makitaan ng mga bitak ang gusali bunga ng naganap na lindol sa Visayas.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon sa GMA News TV nitong Huwebes, sinabing nakitaan din ng crack ang biga sa ikalawang palapag ng gusali.

Ang mga bitak na ang ito ang nagbibigay ng takot sa mga empleyado na magtrabaho lalo pa’t may mga nararamdaman pang aftershocks.

Sa ngayon ay nag-oopisina ang ilang kawani sa tabi ng Hall of Justice pero limitado lang ito sa front desk operation.

Hihintayin naman ang report ng city engineering office sa gagawing pagsusuri kung ligtas pang gamitin ang gusali. - FRJ, GMA News