ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kasalang-bayan at Adoption Consciousness Week sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BRIGADA Airing date: Feb. 13, 2012 Lindol sa Negros    Nitong nakaraang linggo, niyanig ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Visayas, kasama na ang Negros Oriental. Marami ang mga namatay at marami pa ang mga nawawala. Sa bayan pa lang ng La Libertad bumibilang na sa 39 katao ang hindi pa rin matagpuan. Tumungo roon si Saleema Refran para tumulong sa puspusang paghahanap sa mga nawala dahil sa lindol.   Adopt-a-Pinoy    Ipinagdiwang noong nakaraang linggo ng DSWD ang Adoption Consciousness Week. Layon nitong palawigin ang kaalaman tungkol sa legal na proseso ng pag-aampon. At kamakailan lang, tila nadaragdagan ang mga foreigner na nais mag-ampon ng mga batang Pilipino. Aalamin ni John Consulta kung anu-ano ang regulasyon at mga proseso ng pag-aampon sa ating bansa.   Brgy. 'I DO'     Isang kasalang bayan ang nakatakdang idaos sa isang barangay sa Tondo para sa mga nagsasamang kasal na lang ang kulang, o 'yung mga nagli-live in. Sasaksihan ni Lala Roque ang "wedding event of the century" ng mga taga-Brgy. 29 sa Tondo, na itinaon pa ngayong magva-Valentines Day!   Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!
Tags: plug