GMA News Online Ulat Filipino » Talakayan

Tula: Kahimanawari ni E. San Juan, Jr

February 18, 2012 4:38pm
KAHIMANAWARI
 
-- E. San Juan, Jr.
 
E. San Juan, Jr.
Laging tiklop-tuhod noon, hayup na nagdarasal
Sa bawat bigwas at bawat hagupit, bumubulong-bulong
 
Tigil na, Inday, abutin mo ang brasong ito!
 
Hanggang kailan balewala—hanggang di pa tumatalab?
Sa palengke lahat ay nabibili't ipinagbibili—
Di lang talampakan ng katawan kundi pati singit ng kaluluwa...
 
Dura ng galit ang sukli, ngipin sa ngipin
Habang nakaduro ang alambreng dekoryente sa suso mo—
Tumalab na ba ang talim ng poot at pagkamuhi?
 
Abutin mo, Inday, ang armas na ito!
 
Nakalatay sa laman ang basbas ng pulbura't tingga...
Bakit pa luluhod at gagapang sa nagpawalang-halaga?
Nakasalang sa sumusugbang bunganga ng baril—
 
Sunggaban mo, Inday, ang sandata ng masang nakaalay!
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus