ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 patay, 15 sugatan sa pag-atake sa Kidapawan City jail 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
KIDAPAWAN CITY — Tatlo katao ang patay habang 15 naman sugatan nang atakehin ng mga hindi pa kilalang armadong lalaki ang Kidapawan City Jail kagabi. Kinilala ng pulis ang mga nasawi na sina Benny Balmediano, driver ng Philippine Red Cross-Kidapawan sub-chapter; Ian Carlos Sevilla; at Mark Anthony Morales.
  Sina Sevilla at Morales ay dalawa sa mga nag-iinuman sa isang videoke bar na matatagpuan ilang metro lang ang layo mula sa city jail.  
Isa sa 13 sugatan kagabi si Chief Inspector Romeo Tactaquin, ang provincial director ng BFP-North Cotabato, at dalawa pang mga BJMP personnel.
Ayon sa report, abot sa 50 mga armadong lalaki ang umatake sa city jail, bandang alas10:30 kagabi.  
Una nila’ng pinasabugan ng rocket-propelled grenade at pinaputukan ang harapang bahagi ng city jail.
Pero nakaganti ng mga putok ang mga BJMP personnel at hinabol ang dalawang lalaki na nakita nila’ng malapit sa city jail.  
Habang papatakas ang mga suspect, pinaputukan nila ang Molos Videoke House para iligaw ang mga humahabol sa kanila.
Bandang alas-10:45 kagabi, isa na namang pagsabog ang naganap, sa harap mismo ng BJMP.    
Pinaniniwalaang isang improvised explosive device o IED na iniwan, ilang metro lang ang layo sa BJMP, ang sumabog.
Nasawi noon din si Balmediano, habang malubha ang kalagayan ni Tactacquin – dalawa sa napakaraming mga personnel na rumesponde sa jail attack.  
Ayon sa report, plano ng mga suspect na habang nagkakagulo ay mapasok nila ang presuhan at ma-rescue ang isang nagngangalang Lastikman.
Si Lastikman, ayon sa report, ay isang mataas na opisyal ng isang armadong grupo, na nahuli ng mga awtoridad, halos dalawang taon na ang nakalilipas.
Patuloy ang manhunt operation ng mga pulis sa mga responsable sa jail attack, habang hinigpitan pa ang seguridad sa presuhan, lalo na sa presong si Lastikman na itinuturing na isang high-risk criminal. — RSJ, GMA News