GMA News Online Pinoy Abroad » Kwentong Kapuso

Kwentong Kapuso: Alis Sa (Pilipinas Kong) Wonderland

February 21, 2012 4:52pm
Alis sa Wonderland

Ni Edwin B. Cano

May lumbay sa aking paglisan Nangakong 'di ka tatalikuran
Bagkus naglayag at lumipad
Ngayo’y sa malayo napadpad

Buhay na para sa bayan
Baka 'di na magampanan
Binili ng ginhawa
Sa 'di kayumangging lupa

Puso at isip, 'di payapa
Bawat sandali, sa bawat diwa
Sa paghimlay hanggang sa pagmulat
Mukha mo nakaukit sa’king palad

Paglingkuran aking kakulay
Upang uhaw sa iyo’y manamlay
Buhay mo at wika isalaysay
Taas ang noo at may pugay

O Pilipinas, aking Wonderland
May mahika kang 'di mahawakan
May linis ka’t may dungis
Subalit nag-iisa, walang kaparis

Dinggin mo aking sambit
Nawa’y maghintay, manabik
Sa muli kong pagtapak, pagbalik
Yakapin kang buong higpit. -- GMA News.TV

Si Edwin B. Cano, taga-Angeles City, Pampanga at kasalukuyang nasa NY, USA.


Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso.

Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras.

Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus