ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Gusali ng Hall of Justice sa Iloilo City, ‘di na raw ligtas gamitin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dapat na raw iabandona ang gusali ng Hall of Justice sa Iloilo City dahil hindi na ito ligtas gamitin matapos magtamo ng mga pinsala mula sa nakaraang lindol. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, mismong ang Department of Public Works and Highways sa Region VI, ang nagdeklara na hindi na ligtas gamitin ang gusali. Dahil sa 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Visayas region noong Pebrero 6, nagkaroon ng mga bitak sa kisame at iba pang bahagi ang gusali. Gayunman, wala pa raw kinatawan mula sa Korte Suprema ang pumapasyal sa lugar upang malaman ng mga nag-oopisina doon kung ano ang kanilang gagawin. Sa pagdalaw naman sa Iloilo ni Sen Franklin Drilon, sinabi nito na handa siyang tumulong sa pagsasaayos ng 20-taong-gulang na gusali. Sinabi naman ni Judge Danilo Galves, naghahanap na rin sila ng paglilipatan ng hall of justice. -- FRJ, GMA News