Survivor duo Maey at Betong sa 'Wish Ko Lang!'
Wish Ko Lang!
Airing date: February 25, 2012
“aMAEYzing BETONG”
Nang magsimula ang Survivor Celebrity Doubles Showdown, marami ang na-aliw sa tambalang Maey at Betong. Patok sila sa masa kasi makulit at nakakatawang hiritan daw ang tiyak mapupulot sa kanila. Kabilang ang magkasintahan na Jeremy at Rema sa sumusubaybay sa dalawa at aminadong noon pa man, ay tagahanga na sila dahil madalas ng umeeksena sina Maey at Betong sa mga programa ng News and Public Affairs sa GMA at NewsTV. Hawig din daw sa kwelang celebrities ang kanilang samahan. Simple, masaya at mababaw lang daw kasi ang kaligayahan nilang mag-nobyo. Pero umabot na ng limang taon ang relasyon nila, pagpapatunay na ang pagiging masayahin nila ang nagpatibay nito. Ito rin kaya ang naging puhunan ni Maey kaya umabot sa Final 4? At ang pagiging makwela kaya ang naging tiket ni Betong para tanghaling Sole Celebrity Survivor? Yan ang gusto ring malaman nina Jeremy at Rema, kaya wish nila na makilala sana sa personal ang amazing tambalang Maey at Betong

“Ang Api Na Si Tommy…”
Sa labas ng isang kainan sa Las Piñas, makikita ang isang binata na walang mga paa at tila nakasuksok ang bewang sa lumang basketball. Buong buhay raw niya ay sanay na siya ng palaboy-laboy at itinataboy. Ipinanganak si Tommy na putol ang kanyang binti. Siya ay tubong Lanao del Norte at sa edad noon na siyam, ibinenta raw siya ng kanyang ina sa peryahan. Doon, ang kanyang kapansanan ay nagamit para pang-agaw ng atensiyon. Nang minsang subukang bumalik sa kanyang tahanan, umaasa siya na masasabik ang kanyang magulang, pero ang sumalubong sa kanya ay pagtataka kung bakit buhay pa siya? Hanggang sa may nag-alok sa kanya na makarating ng Maynila para sumugal at subukan ang kapalaran sa siyudad, ngunit maalat na suwerte rin ang bumungad sa kanya kaya ngayon, sa lansangan siya makikita.
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement