Baking showdown sa kusina sa 'Day Off'

Kung si Tak Gu ang Baker King ng Korea, si NELSON BUYAO naman ang Master Baker ng Quezon City! Sa loob ng sampung taon ay gumagawa siya ng masasarap na tinapay upang mabigyan ng masarap na buhay ang kanyang pamilya!
Kaya naman para sa amazing Pinoy na tulad niya, isang amazing out-of-town escapade ang aming inihanda! An early summer treat para sa family sa Lingayen, Pangasinan kung saan naghihintay sa kanila ang magagandang tanawin, masasarap na pagkain at masasayang water activities!
Samantala, nagkainitan sila sa isla ng Survivor Philippines. Pero this week, kayanin kaya ni Amazing Amazona Maey at Anak ng Dagat na si Mara ang init ng oven at kusina? Maging matamis kaya ang kanilang pagsasama, o masusunog ng nararamdamang galit para sa isa't-isa?
Abangan yan sa Day Off ngayong Sabado dito sa GMA News TV 11!
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement


