Hiwalayang Hidden Co Jr. at Biki Bellow sa 'May Tamang Balita'
Miriam Sentido, mainit na naman ang ulo sa impeachment-serye, pagwawakas ng relasyong Hidden Co Jr. at Beki Bellow, at pagpapatigil ng isang grupo sa EDSA Revolution anniversary ngayong Huwebes!
May Tamang Balita
Airing date: February 23 , 2012
Airing date: February 23 , 2012
Sa lalong umiinit na impeachment trial ni Chip Justiis Renato Caronia, tutok ang taumbayan sa pagpapakitang-gilas ng mga Tsenador judges! Isa na rito si Tsenador Judge Miriam Sentido na madalas uminit ang ulo lalo na sa prosecutyon team! Pero bakit nga ba parang laging highblood si Tsenador Miriam? Is it her time of the month? Nalaman ng May Tamang Balita ang dahilan sa isang eklusibong video.
Sa ibang balitang may tama, habang naghahanda ang administrasyon ni Panggulong Penoy Anino sa paggunita ng ika-dalawampu’t anim na anibersaryo ng Edsa revolution, meron namang ilan na nananawagang itigil ang okasyong ito. Ano kaya ang kanilang dahilan sa pagpapatigil nito?
Samantala, matapos ang anim na taong bolahan, gastusan, kinuwestyong pagmamahalan at iskandalo, nagwakas na raw ang relasyong Hidden Co Jr. at Beki Bellow. Ang Pa-star na balita hatid sa inyo ng nag-iisang si Maey B!
Samantala, matapos ang anim na taong bolahan, gastusan, kinuwestyong pagmamahalan at iskandalo, nagwakas na raw ang relasyong Hidden Co Jr. at Beki Bellow. Ang Pa-star na balita hatid sa inyo ng nag-iisang si Maey B!
Siyempre hindi pa rin mawawala ang mas lalong umiinit na mga pangyayari sa impeachment serye na The Impeachables at ang pang-ookray ni Boobay sa mga Twitter post ng mga sikat na pulitiko kasama ng mga balitang gawa-gawa at puno ng kagimbal-gimbal na patama!
Tigilan na ang drama, dapat masaya! Kaya nood na sa May Tamang Balita ngayong Huwebes ng gabi, 10PM pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho.
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement


