GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Marian Rivera, napabilang sa ‘Top 10 International Beauties Of 2012’

February 23, 2012 11:48pm

Nakasama ng ilang sikat na international models at celebrities ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa listahan ng ‘Top 10 International Beauties Of 2012’ sa isang website.

Sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes, iniulat na nasa No. 9 position si Marian na ipinakilala sa TopTenz.Net bilang “major star in the Philippines."

Si Marian ang tanging may dugong-Asyano na nakasama sa top 10 list. Hindi naman ipinaliwanag sa Chika Minute at maging sa website kung papaano pinipili ang mga nakasama sa listahan.

Kasama ni Marian at nasa no.1 spot ang model-actress na si. Rosie Huntington-Whiteley na lead star sa Hollywood action movie na Transformers: Dark of the Moon.

Pang-pito naman sikat na Colombian singer-songwriter na si Shakira. Habang nasa No 3 spot naman ang Australian model na si Miranda Kerr – na misis ng Hollywood actor na si Orlando Bloom.

Kasama rin sa listahan sina:

- Lara Stone, no.2 (Dutch model)
- Irina Shayk, no.4 (Russian model)
- Katrina Kaif, no.5 (Actress-model)
- Cheryl Cole, no.6 (English pop and R&B recording artist)
- Laetitia Casta, no.8 (French model)
- Leryn Franco Asunción, no. 10 (Paraguay athlete-model)

'Inside Showbiz' 2012 sexiest women

Samantala, kasama naman sa 2012 Sexiest Women ng Inside Showbiz magazine ang ilang Kapuso stars.

Kabilang sa listahan sina Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, Sarah Lahbati, Sam Pinto, at Bela Padilla. - FRJimenez, GMA News
Go to comments




advertisement
advertisement
advertisement