ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Hazing sa ngalan ng kapatiran sa 'Brigada'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BRIGADA
Airing date: February 27, 2012, 8:00 PM
SA NGALAN NG KAPATIRAN?
Mainit na usapin ngayon ang pagkamatay ng San Beda Law Student na si Marvin Reglos dahil diumano sa hazing. Bakit nga ba kahit naipasa na ang Anti-Hazing Law, tila walang takot pa ring nagsasagawa ng hazing at initiation rites ang iba't ibang kapatiran? Ito ang personal na inalam ni John Consulta.
FLOWER POWER
Dumating na naman ang pinakahihintay na selebrasyon sa Baguio - ang taunang Panagbenga Festival! Dito ipinagdiriwang ng mga taga-Benguet ang kanilang flower industry. Pero gaano katotoo na 90% daw ng mga bulaklak ngayon sa merkado, imported na raw mula China? Dumayo si Victoria Tulad sa Baguio para mapulsuhan ang pakikipagsapalaran ng mga flower farmers doon.
MGA BATINGAW NG BULACAN
Tampok sa nalalapit na Golden Jubilee ng Diocese ng Malolos sa Bulacan, ang ipinagmamalaki nilang mga kampana sa iba't ibang mga simbahan sa Bulacan, na daan-daang taon na ang tanda. Gaano nga ba kahalaga ang mga kampana bilang pamana sa ating kultura? At bakit mainit din ito sa mata ng mga magnanakaw? Samahan si Dano Tingcungco na pakinggan, ang tunog ng mga isyu ng batingaw sa Bulacan.
Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!
Tags: plug
More Videos
Most Popular