Pagcor official na sangkot sa umano’y suhulan, pinagbibitiw ng Obispo
Pinagbibitiw ng isang arsobispo ng Simbahang Katoliko si Cristino Naguiat Jr., chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), matapos masangkot sa alegasyon ng suhulan. Sa panayam ng isang himpilan ng radyo nitong Biyernes, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, na dapat magbitiw na si Naguiat matapos masangkot sa iskandalo ng umano'y suhulan, na taliwas sa kampanya ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III, na âtuwid na daan." âDapat magbibitiw siya⦠nakakahiya ito," ayon kay Cruz sa panayam ng Veritas Radio. Si Cruz ang founder of the Kursadang Bayan Laban sa Jueteng (KBLJ). Una rito, naghabla si Steve Wynn, chief executive ng Wynn Resorts Ltd., laban sa Japanese gambling tycoon na si Kazuo Okada dahil sa paglabag umano sa United States Foreign Corrupt Practices Act. Si Okada na nagpasok ng US$2 bilyong puhunan para sa Entertainment City sa Manila Bay, ay inaakusahang gumastos ng US$110,000 para paboran siya ng mga opisyal ng Pagcor. Sa isang ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), sinabing nakasaad sa inihang reklamo laban kay Okada sa US Securities and Exchange Commission, na ginastusan umano ni Okada ang pamilya ni Naguiat (kasama ang asawa, tatlong anak at yaya," ang pagtuloy ng mga ito sa Wynn Resorts Hotel na nagkakahalaga ng $6,000 bawat gabi. Pinabulaanan naman ng kampo ni Naguiat ang naturang alegasyon ng pagtanggap ng suhol. Iimbestigahan Sa pagdalo sa isang pagtitipon sa Cavite, sinabi ni Aquino sa media nitong Biyernes na ipag-uutos niya na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa alegasyon laban kay Naguiat. Gayunman, binigyan-diin ng pangulo na inosente si Naguiat hanggat hindi napapatunayan na tumanggap ito ng suhol mula kay Okada. âThere is a formal process where he (Naguiat) will be asked to explain," Aquino. â⦠there is presumption of innocence until proven guilty. In this particular instance, I think we should afford him (Naguiat) also the benefit of hearing him out before we make any judgment." Posibleng si Executive Secretary Paquito âJojo" Ochoa, ang mangasiwa sa gagawing pag-imbestiga sa naturang usapin. Tiniyak ni Aquino na tatanggap ng karampatang parusa si Naguiat kung lalabas sa imbestigasyon na may nagawa itong kasalanan. âEverybody who had been proven to have done something they should not have or they neglected to do what they should, have been meted the appropriate sanctions," ayon kay Aquino. Nais din ni Aquino na malaman kung ano ang eksaktong inirereklamo laban sa opisyal ng Pagcor. âMaganda siguro makita yung talagang specific allegations. Ang problema two majors players in the gaming industry who have suddenly fallen out of each other," aniya. May nakikita ring malisya si Aquino sa ulat na tumanggap umano ng mamahaling bag si Naguiat pero hindi naman sinabi sa ulat na isinauli ang naturang bag. âIn the report, sinabi na me binigay na bag tapos nilagyan ng footnote na fineprint, parang napakaliit na print, na hindi tinanggap o isinoli yung bag. Iha-highlight yung binigay ...Pero sinoli nila agad hindi na binanggit na sinoli. parang may malice naman yata yun," paliwanag niya. âI guess the least that Chairman Naguiat should be able to expect is that he gets a fair hearing. Letâs have the allegations, let him answer it and we will weigh the allegations versus his defense of his actions or lack of action," dagdag pa niya. Nauna nang sinabi ng Malacañang na naging âcollateral damage" ang Pilipinas at ang PAGCOR sa iringan ng mga casino magnates na sina Wynn at Okada. Walang mangyayari Sinabi naman ni Cruz na hindi na siya nagtataka kung nagpahayag ang Malacanang ng pagdepensa kay Naguiat dahil na rin sa mga ulat na malapit si Aquino sa mga opisyal nito na tinatawag na âKKK" o kapartido, kaklase, at kabarilan. Sinabi ng dating arsobispo na tila ipinakikita ni Aquino na ang mga kritiko lang nito ang maaaring managot kapag lumihis sa âtuwid na daan," pero hindi naman kasama ang kanyang âKKK." Idinagdag niya na walang mangyayari sa "tuwid na daan" ni Aquino kung ang mismong mga opisyal nito ay hindi pasusunurin sa naturang kampanya. - MP/FRJ, GMA News