ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Desisyon ng korte sa pagdalaw ni Arroyo sa lamay ni Iggy, nirerespeto ng Palasyo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inihayag ng Malacañang nitong Linggo ang pagrespeto nito sa desisyon ng Pasay City Regional Trial Court na payagang bumisita si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa lamay ng kanyang yumaong brother-in-law na si Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo Jr. Ayon kay deputy presidential spikesperson Abigail Valte, umaasa ang Palasyo na magsasagawa ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Poloce (PNP) ng sapat na security arrangements para kay Gng. Arroyo. “Nirerespeto natin ang decision ng RTC na bigyan si dating Pangulong Arroyo ng pagkakataon makidalamhati sa pamilya ni dating Congressman Iggy Arroyo," ani Valte sa panayam sa dzRB radio. “Handa ang PNP at DILG sa security requirement dahil nga pinagbigyan ang kahilingan ni Mrs. Arroyo. Noong Biyernes, pumayag ang korte na dumalaw si Gng. Arroyo sa lamay ng kanyang bayaw. Naunang hiniling ng kampo ni Arroyo ang tatlong araw na dalaw at pananatili ng dating pangulo sa kanyang bahay sa Quezon City.  Pero, ito umano ay tututulan ng government lawyers. Sumasa-ilalim si Gng. Arroyo sa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City mula pa noong Disyembre. Kinakaharap niya sa kasong electoral sabotage. Samantala, ayon kay Valte, may ilang mga detalye pang kinakailangang ayusin. "May inaayos na detalye sa magiging pagbisita at kailan darating ang mismong mga labi ni Cong. Arroyo," aniya. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News