ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

13-anyos na sumailalim sa unang open heart surgery sa Cebu, patuloy ang pagbuti ng kalusugan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patuloy na bumubuti ang kalusugan ng dalagita na siyang kauna-unahang sumailalim sa open heart surgery sa Visayas region na isinagawa sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing ilang araw na lang ay maaari nang lumabas ng ospital si Cristabel Boybanti, 13-anyos. “Improving (na siya). Initially naa lang tay gamay nga pneumonic process pero it was resolved immediately" ayon kay Dr. Emmanuel Gines, chair sa Emergency Medicine Department sa VSMMC. Lubos naman ang kasiyahan ng ina ni Cristabel dahil napagbigyan ang kanilang kahilingan na magamot ang problema sa puso ng kanyang anak na atrial septal defect o ang hindi pagsasara ng upper heart chamber. “Wa ko magdahum nga sa akong gipangayo niya nga gitubag sab bitaw gyud" ayon kay Gng Catalina Boybanti. Dahil sa matagumpay na operasyon, tumatanggap na ang VSMMC ng mga pasyante para sa open heart surgery. Lalo rin umanong pagbubutihin ang kanilang serbisyo para sa mga mahihirap. -- Nikko Sereno/FRJ, GMA News