ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Girlfriend patay, boyfriend sugatan sa pamamaril sa Davao City
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang babae ang nasawi, habang sugatan naman ang kanyang nobyo, matapos silang barilin sa Davao City nitong madaling-aral ng Huwebes. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, kinilala ang nasawi na si Christine Acosta. Nagpapagaling naman sa ospital ang kanyang nobyo na hindi binanggit ang pangalan. Ayon sa mga saksi, magkasamang naglalakad sa kalsada ang magkasintahan kasama ang tatlong iba pa. Hindi nagtagal ay tila nagkaroon umano ng pagtatalo ang grupo at kasunod nito ang pagputok ng baril. Tumakas ang tatlong kasama ng magkasintahan sakay ng motorsiklo. Tiwala naman ang mga pulis na madadakip ang mga suspek sa tulong ng nakaligtas na nobyo. – FRJ, GMA News
Tags: davaocitycrime, ridingintandem
More Videos
Most Popular