ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kuya Germs, may tampo kay Iza Calzado?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inamin ng star builder na si German “Kuya Germs" Moreno na nabigla siya sa ginawang pag-alis ni Iza Calzado sa Kapuso Network na naging tahanan nito sa loob ng pitong taon. Sa ulat ng Showbiz Exclusive ng GMA News TV nitong Miyerkules, inilahad ni Kuya Germs ang kanyang saloobin sa naging desisyon ni Iza na lumipat ng ibang network na itinuring niyang anak-anakan. “Wala ka man lang na sabihin sa’yo ano problema niya… hindi naman ‘yan hiwalayan na kumo mayroon kang tinatanim na sama ng loob. Pwede mong matiis ‘yan in the manner na nandodoon pa rin sa isipan mo na malaki ang utang na loob mo rito. Kahit papaano kung walang GMA saan ba ‘ko unang susulpot," paliwanag niya. Sinabi sa ulat na kahit hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay ni Iza ay maayos pa rin naman daw ang kanilang samahan. Naniniwala naman si Kuya Germs na maganda ang hangarin at aalagaan si Iza ng nilipatan nitong network. Matalik na kaibigan ni Kuya Germs ang ama ni Iza na si Lito Calzado na pumanaw noong nakaraang Nobyembre. Samantala, nilinaw din ni Kuya Germs na walang katotohanan na pinutol na niya ang pakikipag-ugnayan sa kanyang kaibigan na si Nora Aunor. Bagaman mayroon umanong mga problemang naglalabasan patungkol sa pagtatrabaho ng Superstar, may pinili umano ni Kuya Germs na huwag na lamang makialam. -- FRJ, GMA News

Tags: izacalzado