Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Ogie Alcasid confirms doing love scenes with Eugene Domingo in I Do Bidoo Bidoo

March 15, 2012 4:09pm

Nagpa-presscon si Ogie Alcasid sa Imperial Palace Suites nitong Miyerkules, Marso 14, para talakayin ang paglulunsad ng OPM2GO, isang digital store which "provides digital media available for download."

Ginamit na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang press ang pagkakataon na makapanayam si Ogie tungkol sa pelikula niyang I Do Bidoo Bidoo na kasama si Eugene Domingo bilang kanyang asawa.

Unang kinamusta ang status ng pelikula.

"I'm so excited, nakakakilig e, kasi ang ganda nung project, ang saya- saya namin sa set.

"Si Uge [palayaw ni Eugene Domingo] asawa ko rito, pag magka-eksena kami, tawa lang kami nang tawa!

"The music is great, the story is so cute. I'm working with Gary V [Valenciano], and Ms. Zsa Zsa [Padilla].

"It's like a dream come true for me. Kumakanta kami, umaarte at nagpapatawa.

"Nakakatuwa, naka-two weeks na akong nagsu-shooting doon."

BEST ACTRESS AWARD. Any comments about Eugene Domingo who was nominated Best Actress for Ang Babae sa Septic Tank at the 6th Asian Film Awards?

"Alam mo, pinanuod ko yung Ang Babae sa Septic Tank, binigyan ako ni Uge nung DVD—namangha ako!

"Ang galing nung pelikula, ang ganda nung pelikula, ang galing ni Uge, nabaliw ako!

"Tanong ko sa sarili ko, 'Paano niya naisip 'yun?' She deserves it, she deserves to win!

"'Yung acting na ginawa niya dun, grabe! Ibang level 'tong si Uge!

"Parang 'di normal na tao yun e. Ang galing-galing-galing niya roon, and yet she remains humble.

"I [also hope a lot of people] voted for Uge [in the People's Choice Awards].

"It's [online] voting yata for her to win Best Actress. So, I hope and pray she wins."

Balak daw agawin ni Eugene si Ogie kay Regine Velasquez sa premiere night ng I Do Bidoo Bidoo.

"Lukaret talaga yan!" Sabay tawa.

"Walang problema sa akin, in fact, may scenes kami ni Uge na sexy-sexy e.

"Medyo may pagka-love scenes yun. Nabasa ko nga sa script yung mga, 'And then, they make love' scenes.

"Sabi ko ' Wow! Walang problema sa akin!'"

PREPARING FOR LOVE SCENES. Nai-shoot na ba ang eksenang yun?

"Hindi pa... Hindi pa. Puro mga away palang yung nagawa namin e."

Paano niya pinaghahandaan ito?

"Walang toothbrush, kakain ako ng tuyo, bagoong, tapos halikan na yun!" Sabay tawa uli.

"Ganun naman yung mga mag-asawa 'di ba? 'Kaw ba? Nagtu-toothbrush ka pa ba?

"Diretso na! Walang toothbrush-toothbrush! Ha ha ha!"

Excited daw si Ms. Uge sa love scene ninyo at paghahandaan niya raw yun.

"Aba e! Excited din ako! Biro mo, ka-level ni Uge si Solenn? Ang hirap pag-isipan nun!" Tawanan na naman.

So, mas marami ang love scenes with Uge sa I Do Bidoo Bidoo kaysa kay Solenn?

"Parang e, kasi dun sa Boy Pick-up na kasama ko si Solenn, parang ligaw-ligaw lang e, ganun lang e.

"E, dito sa pelikula namin ni Uge, ibang level, kasi siyempre asawa mo, alangan namang di kayo magkaroon ng intimate moment.

"Siyempre sa asawa mo, panay ang yakap, panay ang romansahan."

MUSICAL TALENT. Kinarir na rin ni Ms. Uge yung pagiging singer, welcome ba naman siya sa OPM?

"Of course! Alam mo, nung napakinggan ko nga yung recording, sabi ko kay Uge, 'Kumakanta ka noh?'

"Sabi nya, 'Oo naman, pero hindi kagaya ninyo.' Sabi ko, 'Ang ganda ng boses mo e!'

"Tapos parang nahiya siya. Ang galing niya, I was so impressed!

"Pero hindi malayong isipin magaling siyang kumanta, e.

"Kasi yung boses niya sa mga acting niya, the way she throws her voice, the way she uses her voice pag umaarte siya, alam mong marunong siyang kumanta."

Alam ba ni Ms. Regine na may love scene sila ni Uge?

"Hindi pa yata! Hindi niya yata alam, e!

"Wala namang pakialam sa akin yun 'pag trabaho.

"Kasi alam naman niyang sobra akong loyal sa kanya. Naks!" -- Allan F. Sancon, PEP