ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga Pilipinong tutungo ng China pinaalahanan vs. drug trafficking
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Binalaan ng pamahalaan nitong Martes ang mga Pilipinong tutungo sa China at sa mga teritoryo nito tulad ng Hong Kong at Macau laban sa pagiging drug mules.
Inilabas ng Philippine Consulate General sa Guangzhou ang paalalang ito dulot ng patuloy na pagrami ng mga Pilipinong inaresto dahil sa drug smuggling sa Hong Kong at Macau.
Sa isang news release ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang website, inihayag ng Consulate na mayroong dalawang Pilipinong arestado sa Macau dahil umano sa drug trafficking noong Pebrero 1.
Ayon sa Consulate General, ang apat na Pilipinong inaresto sa Hong Kong noong Hulyo hanggang Nobyembre 2011 ay patungong Guangzhou at Guangxi, kung saan kamatayan ang parusa para sa drug smuggling.
Noong nakaraang taon lamang, apat na Pilipino ang nahatulan ng kamatayan sa China—tatlo noong Marso at isa nitong Disyembre.
"In the event of arrest, the laws and legal procedures of China will apply. Filipinos who will be arrested for drug smuggling in China will suffer the penalties imposed by the Chinese courts," ayon sa Consulate General.
Patuloy ang apela ng Consulate sa mga Pilipino na huwag nitong isugal ang kanilang mga buhay kapalit ang kahit ano mang alok mula sa international drug syndicates.
"Indeed, the Philippine government's effort to protect its nationals abroad is a foremost concern. However, this responsibility is necessarily shared with every Filipino who should always consider their own safety while abroad," ayon sa DFA. –Amanda Fernandez/KG, GMA News
More Videos
Most Popular