ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Puna ng dayuhang turista sa online video, tiniyak na tutugunan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa pagpuna ng isang dayuhang turista, inihayag ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cebu at Department of Tourism sa Region 7 na isasaayos nila ang mga palikuran sa lalawigan. Sa ulat ni Monching Ostero sa Balitanghali nitong Martes, sinabing lumitaw sa ginawang pag-iikot ng GMA News sa mga pangunahing kalye sa Cebu City, na tanging sa Osmeña Blvd lang may public toilet na regular na nililinis, may tissue at sabon na maaaring gamitin. Para sa DOT-Region 7, dapat daw magsilbing hamon ang punang ginawa ng dayuhang turista para lalong mapabuti ang turismo sa lalawigan at maging sa iba pang bahagi ng bansa. “Temporarily we will identify ang mga restaurant where we can use toilets," ayon kay Rowena Montecillo ng DOT. “Pagsisikapan namin dito sa province na ma-address ang isyung ‘yan. Maigi at nalaman namin ang 20 reasons na ‘yan," sambit naman ni Cebu Vice Gov. Agnes Magpale, chairperson ng committee on tourism. Sa hiwalay ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing humingi na ng paumanhin sa mga Pinoy -- lalo na sa mga Cebuano -- ang dayuhan na lumabas sa online video na kung saan inihayag nito ang 20 dahilan kung bakit hindi niya gusto sa Pilipinas. Gayunman, maging ang ilang Pilipino ay naniniwala na mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na palikuran. Inihayag naman ng lokal na pamahalaan ng Cebu City na wala silang pondo para makapagpatayo ng maraming palikuran pero dapat umano itong gawan ng paraan. -- FRJ/KG, GMA News

Tags: tourism, cebucity