ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tatlong Pinoy sailors, dinukot sa Yemen


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong Filipino seafarers ang dinukot ng mga miyembro ng isang tribo sa Yemen kapalit sa kalayaan ng isa nilang kasama na nakalulong. Ayon sa ulat ng news site na Khaleej Times nitong Huwebes, papasok pa lamang sa kanilang barkong pinagsisilbihan ang tatlong Pinoy nang mangyari ang pagdukot sa isang daungan sa probinsya ng Mahrah. Ayon umano sa kidnapers na kasapi sa Bani Jabr tribe, ang nais lamang nila ay palayain na ang kanilang kasama na kasalukuyang nakakulong sa Sanaa. Ang nakakulong na tribe member ay humaharap umano sa patung-patong na krimen, ayon sa report. Wala pang detalye ukol sa mga pangalan ng mga Pinoy na dinukot, ayon sa report. Dagdag pa nito, napilitan umano ang mga Pilipino na mag-land trip papunta sa daungan matapos makansela ang kanilang flight dahil sa isang sandstorm. Ayon sa interior ministry ng Yemen, inatasan umano na nito ang security forces na i-rescue ang mga Pinoy at arestuhin ang mga kidnaper. Ikalawang kidnapping incident Ang pagdukot sa tatlong Pilipino ay pangalawang insidente ng kidnapping ng mga dayuhan sa Yemen. Noong ika-14 nitong Marso, isang Swiss foreign-language teacher ang dinukot ng mga armadong lalaki mula sa kanyang bahay sa Red Sea port ng Hodeïda. Sa kasong ito, humihiling din ang kidnappers na pakawalan ang nabilanggo nilang kasama. Noong Martes, inihayag ng tribal chief  na nasa mabuting kalagayan ang Swiss national. Samantala, inihayag naman ng Yemeni security official na... “the kidnapping bears the hallmark of Al-Qaeda” terrorist group. Ayon sa Khaleej Times, mahigit 200 katao na ang dinukot sa Yemen sa nakaraang 15 na taon. Karamihan sa kidnapping victims ay nagmula sa mga makapangyarihang tribo ng kanilang bansa. Ito umano ang paraan ng mga kidnapper upang makuha ang kanilang kahilingan. Karamihan sa kanilang mga biktima ay ligtas na pinapakawalan. Samantala, inihayag ng Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) noong Enero na mahigit 769 Filipino sailors na sakay ng 63 vessels ang nabiktima ng kidnapping mula pa noong 2006, karamihan sa mga insidente ay nangyari sa karagatan ng Somalia. Ayon sa DFA, nangunguna ang Pilipinas sa mga bansang "supplier" ng sailors sa buong mundo mula pa noong 1987. Ang top-10 sources ng remittances mula sa mga Pilipinong sailors noong 2011 ay:   

United States (USD2.437 billion); Norway (USD294.076 million); the United Kingdom (USD285.754 million); Japan (USD268.414 million); Germany (USD211.916 million); Greece (USD192.527 million); Singapore (USD175.312 million); Hong Kong (USD72.341 million); Cyprus (USD53.294 million); at The Netherlands (USD44.889 million).
— Amanda Fernandez /LBG, GMA News