GMA News Online
Ulat Filipino
»
Talakayan

Mga kaugalian na dapat at ‘di raw dapat gawin ng mga Pinoy tuwing Semana Santa

April 4, 2012 9:27pm
Naniniwala ka ba sa pamahiin na ‘di dapat maligo pagsapit ng alas-tres ng hapon sa Biyernes Santo? Ikaw ba’y nagbi-Visita Iglesia o nagbibisita miryenda lamang? Type mo ba ang rap o ang tradisyunal na bersiyon sa pabasa ng pasyon? Ilan lamang ito sa mga kaugalian ng mga Pinoy tuwing Semana Santa na tinalakay sa News To Go ng GMA News TV.

Sa episode ng News To Go ng GMA News TV nitong Miyerkules, April 4, kinapanayam ni Kara David ang inspirational and motivational speaker na si Bro Michael Angelo Lobrin upang alamin ang mga bagay na dapat gawin at hindi dapat gawin ng mga Pinoy tuwing Semana Santa -- na mahalagang okasyon sa mga Kristiyano na ginugunita taun-taon.

Kara: Good morning brother. Napakaraming tradisyon ng mga Pilipino kapag Semana Santa, ano ba yung… o sige Maundy Thursday tayo tomorrow, ano ba usually ang ginagawa kapag Maundy Thursday?

Bro Lobrin: Una, dapat maintindihan natin na napaka-powerful na salita ang Maundy. ‘Yan ang pinaka-common, maraming tawag…Huwebes Santo, mayroon pang Latin term ‘yan. Pero ang pinaka-common is Maundy Thursday. Which I think is very significant because the word Maundy came from the Latin term “mandatum", which means mandate, may utos. Kasi sa gabi niyan, sa celebration of the “last supper" sa gabi, before the washing of the feet, ang babasahing gospel, ito ang sinabi ni Kristo, “I give you a new commandment, love one another." So kung titingnan mo, maiintindihan mo ang mandate na ‘yon, yun lang ang gagawin mo talaga, to live that loving towards another. If you know na minahal ka ng Diyos, mahalin mo rin ang kapwa mo.

"Dapat maintindihan natin na napaka-powerful na salita ang Maundy. ‘Yan ang pinaka-common, maraming tawag…Huwebes Santo, mayroon pang Latin term ‘yan. Pero ang pinaka-common is Maundy Thursday. Which I think is very significant because the word Maundy came from the Latin term “mandatum", which means mandate, may utos."


Kara: Usually kapag Maundy Thursday paano mo dapat ipapakita sa Panginoon that you're following His mandatum?

Bro Lobrin: Unang-una, ‘di ba ang mangyayari niyan sa gabi magkakaroon ng commemoration of the last supper. At kasama nun yung paghuhugas ng paa ng mga alagad. Ipakikita yung strong connection na ang dapat na biyaya ng pagsisimba mo ay matuto kang maglingkod sa kapwa mo. Sabi ni Kristo, "love one another, the way i washed your feet, you should wash one another's feet."

Kara: Magkaroon ng humility…

Bro Lobrin: Humility… kaya nga may kasabihan, humility on the front of authority is duty; the front of equals, it’s courtesy. But in front of people who hurt us is what you call nobility.

Kara: So tandaan niyo mga Kapuso, ‘pag sinabing Maundy Thursday, may mandato sa atin ang Panginoon -- maglingkod sa kapwa, magpakumbaba at magmahalan tayo.

Bro Lobrin: Sana maintindihan. Kasi kapag Maundy Thursday ang mangyari niyan very rich ang liturhiya. Unang-una, makikita niyo after communion walang final blessing, bakit? Open ended yung liturgy? Ibig sabihin, Thursday, Friday, Saturday, isang celebration lang ‘yon. Kaya dapat kapag nagsimba ng Huwebes, Biyernes, Sabado, kapag kulang ng Biyernes at Sabado, bungi. Kasi yung final blessing sa Sabado na. Ano ang mangyayari? After ng misa bukas ang lahat ng simbahan for the Visita Iglesia na ginagawa ng iba ay bisita miryenda. Nagmemerienda lang sila.

Kara: Dapat po ba talaga marami kang bisitahin na mga simbahan? Ilan ba ito, pito o 14?

Bro Lobrin: Honestly po wala naman pong utos ang simbahan na istrikto about it. Tayo na lang ang gumawa nun. In fact, pwede naman isang simbahan na lang. Ang mahalaga dun yung disposition mo. We would like to encourage our Catholic faithful na yung pagbi-Visita Iglesia nga po ‘pag Huwebes ay hindi ka dapat magdasal ng istayon ng krus. Dapat bisitahin mo si Kristo dun sa Altar of Repose, yung side na parang nasa hardin Siya, to be with the Lord.

Kara: So ang station of the cross ginagawa ‘pag Good Friday…

Bro Lobrin: Good Friday. Parang ganito ‘yan, Huwebes Santo pa lang ‘wag naman nating madaliin patayin ang Panginoon, bukas na muna, ‘wag namang agad-agad.

Kara: May ilan tayong nakatatanda na may mga iba’t ibang pamahiin. Katulad na lang ng iniiwasan nilang maligo kapag Biyernes Santo.

Bro Lobrin: Honesty dun nga ako natatawa. Hindi po totoo na kapag alas tres (ng hapon na oras ng sinasabing pagkamatay ni Kristo) naligo ka, dudugo ang tubig, hindi po. Ikaw ang duduguin kapag naamoy mo ang kapitbahay mo na hindi naligo. Kaya sabi ko nga, tulong na natin sa Panginoon yung maligo tayo kasi nakabayubay na siya sa krus, maamoy ka pa, ang baho mo. Wala hong biblical reference ‘yon.

Kara: Yung sinasabing bawal daw masugatan tuwing Biyernes Santo?

Bro Lobrin: Kasi nga ang concept diyan, patay ang Panginoon walang gagamot sa sa’yo. Ang pag-unawa diyan, tatandaan natin na ang pagkamatay ng Panginoon ay once and for all. Hindi po natin taun taon ginagawa ‘yan. Kahit namatay si Kristo sa krus, hindi ibig sabihin patay ang Diyos nun. Kung hindi yung pamahiin na ‘yan , tayo nalang ang nag-i-interpret niyan. Kahit Holy Week kaya tayong pagalingin ng Diyos, ‘wag niyo lang sugatan ang sarili niyo.


Kara: Yung iba ayaw bumiyahe kapag Biyernes Santo, natatakot.

Bro Lobrin: Tayo na lang ang gumawa nung explanation na ‘yan. Wala talagang biblical reference to that.

Kara: Itong pabasa ng pasyon na ginagawa, ‘di ba natatapos ito sa Biyernes Santo?

Bro Lobrin: Minsan Lunes pa lang haggang Miyekules. Maliban na lang kung gaano kahaba gusto ng tao na kumain. Kasi yung iba kumakain lang sa pasyon. It could be one day, it could be two days, it could be three days.

Kara: Kayo Brother kilala kayo dahil nagsusulat kayo ng mga ganitong klase ng libro na you make God, yung salita ng Diyos na mas madaling maintindihan, mas conversational. Pero anong palagay niyo dito sa mga pabasa ng pasyon na nagra-rap, ginagawang hip-hop, banda-banda?

Bro Lobrin: Kung ako ang tatanungin, ayoko po. Kasi po ang pabasa po ay paawit na pagbabasa ng banal na salita ng Diyos . Kayo ho ba babasahin mo ba ang diyaryo ng pa-rap? Diyaryo lang ‘yon, lalo pa ang salita ng Diyos. Kung ako po ang tatanungin, sa opinyon ko po at sa opinyon na alam ko na sa Simbahang Katolika, kung maaari lang po i-maintain natin yung sense of holiness ng event ng pabasa. Not because na gusto natin ng outdated, hindi po. Sa palagay ko may lugar ang rap, hindi siguro sa pabasa. Sana maintindihan ng kabataan ito, na ‘wag naman sana nating gawin biro. Kasi tama naman yung sinabi mo kanina, ‘di lagyan na rin natin ng shades si Jesus habang nakapako. Lahat pwede na, hindi. Dapat may lugar bilang paggalang ba. Isang beses lang naman ‘to sa isang taon.

Kara: In the same way ‘pag nagbi-Visita Iglesia,’ wag gawing bisita sightseeing, bisita merienda…

Bro Lobrin: Oo, yung iba nagmemerienda. Lahat ng kikiam tinitikman, squid balls. Magdasal ka dahil ginugunita mo ang isang matibay na katotohanan na mahal na mahal ka ng Diyos kahit ganyan ka.

Kara: Brother mayroon pa kong napansin kapag Semana Santa, naglalabasan yung mga faith healer. At saka yung mga nagbe-bless ng mga anting-anting. Mas ano daw, mas epektibo daw kapag binibless ka ng Biyernes Santo.

Bro Lobrin: Ang tanong dun e bakit kung kailan patay ang Panginoon lumalakas ang kapangyarihan niyo, nasaan po ba kayo. Nasa Panginoon po ba kayo o nasa kalaban?I have nothing against sa mga faith healer, kaya lang yung iba kasi nilalagay nila yung pamahiin na makapangyarihan daw sila kapag Biyernes Santo. Kaya yung iba humihingi pa nga ng langis sa simbahan. Yun ang ginagamit kasi kapag Holy Thursday, bukas halos lahat ng cathedral, nagkakaroon ng tinatawag na mass kung saan yung obispo ng dioceses ay bibindisyunan yung mga banal na langis, at may ibang faith healer humihingi nun kasi gagamitin sa panggagamot. Hindi sila pinapayagan, tanging mga pari lang ang puwedeng maglagay nun.

Kara: Ano pong masasabi niyo naman dun sa mga nagse-Semana Santa sa mga beach, mag-a-outing?

Bro Lobrin: Naku sa totoo po ‘wag kayong magagalit sa akin, bato-bato sa langit, tamaan ‘wag magalit, magbago naman po kayo. Nakakalungkot naman minsan lang po ang panahong ito. Habang nakabayubay si Kristo sa krus, ikaw nakabayubay sa padulasan ng eskarsyon. Sana po maintindihan natin na ito ay panahon para hindi mamasyal kundi manalangin. Ngayon may nagsabi, “brother ito lang po ang tiyansa ko sa pamilya ko para magkasama-sama." Okey granting na ganyan, ano ba naman po yung Holy Thursday, Good Friday, ‘wag muna kayong lumangoy, magdasal man lang kayo. Maghanap kayo ng simbahan kung saan kayo makaka-celebrate ng mga liturhiya. Ngayon kung talagang gusto-gusto niyo nang lumangoy, sa Sabado ay buhay na Siya, e ‘di mula Boracay hanggang Roxas Blvd lumangoy ka. Eh di iyo na, agad-agad ‘di ba? Ang punto dun, kaibigan, Kara at mga kababayan, yung inner disposition, pwede naman tayong magsama-sama bilang isang pamilya na hindi naman natin nakakalimutan ang isang katotohanan na namatay ang Panginoon sa gitna ng pagkakasala natin. Ano ba naman yung samahan natin Siya, yun na lang, bilang pasasalamat ba.

Kara: Parang it’s the least we can do for someone who died for our sins, yes.

Bro Lobrin: Ganito, sabihin ng Panginoon, “O, palit tayo. Ako lalangoy, kayo sa krus.

Kara: Ang dami nating tradisyon, ano sa tingin niyo Brother ang tamang paraan na dapat natin isaisip para magunita naman natin ang Semana Santa nang may kabuluhan talaga?

Bro Lobrin: Unang-una, ‘wag mong kalilimutang mahal na mahal ka ng Diyos. Kahit anong mangyari, gaano man katindi ang kasalanan mo, namatay siya sa krus para sa’yo. Kaya may dahilan para ngumiti, kahit Holy Week ngumiti tayo. Iba nga sa atin hindi na nga kagandahan nakasimangot pa kayo. Tulong niyo na po sa sarili niyo ‘yan. Pangalawa, magkaroon tayo ng pusong nagpapasalamat. Kung alam mong minahal ka ng Diyos, mahalin mo Siya sa pamamagitan ng kapwa mo. Magpatawad ka na kasi yung buwisit mong kapitbahay, kapag namatay ‘yan mami-miss mo rin ‘yan. Pangatlo, ‘wag mong kalilimutan na sandali lang ang buhay, life is short. Nakakita ka na ba ng patay Kara, nakakita ka na ng semeteryo, nakakita ka na ng lapida? Ano ang nakalagay sa lapida… pangalan, date ng buhay, date ng pagkamatay. Ano ang nasa in-between nun, small dash, yung lang po ang buhay natin. Yung maigsing linyang ‘yon, yun ang buhay mo, at ang buhay ko. Sana magkaroon ng walang kabuluhan ang pagkamatay ng Panginoon. Pumasok tayo ng Mahal na Araw ng may pusong handang tanggapin ang pag-ibig Niya at ibibigay natin sa kapwa.

Kara: Ako mayroon akong mensahe sa tao, three words lang: magdasal, magpasalamat at magmalasakit sa kapwa.

Bro Lobrin: Tama. ‘Yan ay mangyayari lang kapag naintindihan mong mahal ka ng Diyos.

Kara: Alright maraming salamat po Bro Michael Angelo Lobrin, happy Easter.

Bro Lobrin: Happy Easter din po. – FRJimenez, GMA News
Go to comments