Pinay, patay matapos madaganan ng babaeng tumalon mula sa isang gusali sa HK
Patay ang isang Filipina domestic helper nitong Miyerkules matapos mahulugan ng isang babaeng tumalon mula sa bubong ng isang building. Naganap ang insidente noong 10 a.m. ng Miyerkules sa Tai Koo Shing district, ayon sa ulat ng The Standard ng Hong Kong nitong Huwebes. Ayon sa mga pulis, nawalan ng malay ang Pilipina, may apelidong Rabe, 49, matapos maganap ang impact. Pumanaw siya sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital. Samantala, killed on the spot naman ang 55-taong-gulang babaeng nag-suicide, na may apelidong Yee, matapos niyang hinulog ang kanyang sarili kay Rabe, na dumadaan lamang sa lugar. Tumalon si Yee mula sa rooftop ng Shun On Mansion. Ayon sa mga pulis, hindi residente sa Yee sa Shun On Mansion, ngunit nakatira sa Tai Koo Shing. Nakikita sa closed-circuit television (CCTV) footage, nakapasok si Yee sa gusali sa pamamagitan ng pagsunod sa isang residente. Sa ulat ng The Standard, inihayag ng mga kamag-anak ni Yee na nakaranas siya ng emotional distress matapos makipag-away sa kanyang boyfriend noong gabi bago ang araw na iyon. 'Loud bang' Ayon sa The Standard, nakarinig ng "loud bang" ang mga taong nasa paligid nang mahulog si Yee kay Rabe, na may dalang dalawang plastic bag puno ng pagkain at mga bote ng tubig. Lubos na nalungkot ang amo ni Rabe matapos niyang malaman ang pagkamatay ng Filipino. Ayon sa employer, tinuturing niya bilang malapit na kaibigan si Rabe, matapos niyang magsilbi ng ilang taon para sa kanya. Ayon naman kay Solicitor at Wong Tai Sin district councillor Wong Kwok-tung, maaaring hindi makatanggap ng employment insurance compensation ang pamilya ni Rabe sapagkat naganap ang aksidente sa kanyang day off. "It is purely an accident and there is no wrongdoing involved," anu Wong. Inihayag naman ni Joseph Law Kwan-din, chairman ng Hong Kong Employers of Overseas Domestic Helpers Association, ang kanyang pagkadismaya sa naganap kay Rabe na nasa "wrong place at the wrong time" umano. "This accident underlines the importance of employers signing maids up to a comprehensive insurance policy that will give full compensation, for injuries sustained through accidents like these can happen any time," aniya. - Amanda Fernandez/RSJ, GMA News