Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Kris Bernal denies there’s love in the offing between her and Mark Herras

April 17, 2012 4:04pm



Malaking sorpresa kay Kris Bernal na naging hit ang tambalan nila ni Mark Herras sa pinagsasamahan nilang drama series na Hiram Na Puso sa GMA Afternoon Prime.

Unang nasubukan sa primetime series na Time Of My Life last year ang tambalang Kris at Mark.

Sa naganap na live chat ng dalawa sa GMA Network Center last April 12, dagsa ang mga tanong at pagbati ng mga Mark at Kris fans (MarKris) via Facebook, Twitter at live chat.

MARK and KRIS TANDEM. Ngayong nagtambal sila ulit ni Mark Hiram Na Puso, naging toprating ang kanilang afternoon drama na nagpatibay sa pagpares sa kanila.

Ayon kay Kris, “Pareho kaming nagulat ni Mark kasi nga hindi namin ini-expect na marami na pala kaming mga fans.

"May nabuo na palang MarKris na mga fans.

“Very thankful kami kasi nandiyan sila para suportahan ang show namin that’s doing very well sa GMA afternoon prime.

“Ang dami nilang tanong sa aming dalawa at talagang sinasagot namin lahat ni Mark.

“Patuloy lang nila kaming panoorin kasi ang daming mangyayari pa sa Hiram Na Puso.

“Abangan pa nila ang love story nila Lira at Prince."

SPECIAL TEAM-UP. Considering na hindi naman nali-link ang dalawa sa isa’t isa kaya maituturing na special ang tambalan nila Kris at Mark.

Si Mark ay may karelasyon sa Kapuso young actress na si Ynna Asistio, samantalang si Kris naman ay huling na-link kina Jay Perillo at Jolo Revilla.

Galing na rin kay Mark na suportado ang tambalan nila ng girlfriend niyang si Ynna.

“Nakakatuwa namang marinig 'yon kasi kilala ko rin si Ynna at alam ko kung gaano sila ka-solid ni Mark bilang isang couple.

“Mabuti nga 'yon na very supportive si Ynna kay Mark at sa kung sino ang nakakatambal nito.

“That’s being understanding at maraming salamat sa suporta niya talaga," saad ni Kris.

TRABAHO LANG. Hindi kaya pagselosan naman siya ni Ynna balang-araw?

“Feeling ko naman, hindi ako pagseselosan ni Ynna!" sabay tawa ni Kris.

“Walang gano’n! Kami ni Mark, trabaho lang ito.

“Nagkataon na nag-work ang team-up namin tulad ng pag-team up ko kina Aljur [Abrenica] at Rocco [Nacino].

“E, may mga girlfriends din ang mga 'yon. Hindi naman sila nagselos sa akin, di ba?

“Kumbaga, harmless ako. Hindi naman ako yung tipong nagtambal lang tayo, magiging tayo na.

“Trabaho lang talaga ang lahat—mas maganda naman yata ang gano’n, di ba?"

Ayon pa kay Kris, very open sila ni Mark sa isa’t isa at marami silang napagkakasunduan.

“Noong ginagawa pa namin ang Time Of My Life, medyo ilang pa ako kay Mark kasi first time naming magsama.

“Then, nakagaan ko na siya agad ng loob.

“Mabait kasi si Mark at napakaginoong tao. 'Tsaka mahilig magbiro kapag nasa set kami.

“E, ako, gusto ko yung masaya kasama parati.

“Kaya kapag nagbiro siya, nagbibiro rin ako sa kanya… Asaran lang kami sa set parati.

“Pero kapag trabaho na, serious. 'Tsaka na ulit kami mag-aasaran kapag breaktime na.

“'Tsaka si Mark, makuwento rin 'yan ng kung anu-ano.

“E, machika rin ako kaya madalas kaming mag-usap talaga.

“Kaya marami akong nalalaman tungkol sa kanya.

“Kaya nga ang mga tanong ng fans sa live chat, nasasagot namin nang maayos kasi kilala namin ang isa’t isa."

SINGLE BLESSEDNESS. Tungkol naman sa lovelife ni Kris, hindi raw muna niya ito pagtutuunan at mas focus siya sa trabaho.

Enjoy naman daw siya na isa siyang “single lady."

“Sa totoo lang, mas masaya pala na wala kang ibang tao na iniisip. Like noong nakaraang Holy Week, I was with my close friends.

“Kami-kami lang at hindi namin napag-usapan ang tungkol sa mga boys.

“Mas maganda na ang ganito. Kung wala, wala talaga. Kung meron, bahala na kung ano ang mangyari.

“Basta ako, wala na akong masyadong ini-expect. Kung ano ang ibigay ni Lord sa akin, tatanggapin ko.

“Kung sinabi Niya na trabaho muna, yun ang gagawin ko," sabi ni Kris. -- Ruel J. Mendoza, PEP