We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sobrang nag-enjoy si Marian Rivera sa shooting ng music video ng "My Everything," ang carrier single ng grupong Down To Mars. Hindi man ito ang unang pagkakataong mapabilang siya sa isang music video, kakaibang Marian daw ang mapapanood dito. “Sa totoo lang, hindi ako sanay na magganito. Sabi ko nga, what's new, anong bago rito? Ito na yung something new and something na iba sa make-up. Kasi ngayon lang ako nagganito, ibigay ko na yung todo sa kanila," sabi ng Kapuso primetime queen during an interview right after the shoot. Hangang-hanga rin siya sa nasabing inter-pop group at naniniwala siyang malayo ang mararating nila. Especially since ang Down To Mars ang mismong nag-compose ng mga kanta sa album nila. “Gusto ko mag-click sila, gusto kong maging successful ito. Siyempre, bilang parte ako ng [music video] na ito, sana kahit papaano makatulong ako sa kanila," ayon kay Marian. Marami rin ang nagulat nang sabihin ni Marian na walang talent fee ang guest appearance niya sa music video, at ginawa niya ito para suportahan at sa pagmamahal niya kay Ms Geleen Eugenio. "Si Tita Geleen ay napakalaki ng impluwensiya sa buhay ko sa pagsayaw. Napakaliit lang na bagay ito para hindi ko maibigay sa kanya at sa mga alaga niya," dagdag ng aktres. Masaya rin niyang ibinalita sa press na mae-extend ang My Beloved, at lalong magiging kaabang-abang ang mga mangyayari. “Pabigat nang pabigat ang mga eksena namin doon, at pahirap nang pahirap ang masalimuot na pag-iibigan nina Benjie at Sharina," paglalahad ni Marian. Ayon daw sa direktor nilang si Dominic Zapata, nagiging super heavy drama na ang naturang Telebabad show. Nang tanungin naman tungkol sa lumabas na isyu tungkol sa kanila ng kanyang My Beloved co-star na si Katrina Halili, isang pakiusap ang isinagot ni Marian. “Intindihin natin siya kasi siya mismo sinasabi niya na nahihirapan siya sa pagbubuntis niya. Kung mainit ang ulo niya sa mga staff and crew, kung mag-iinit ang ulo niya sa akin, siguro parte yun at hayaan na lang natin siya na maging sensitive," paliwanag ni Marian. Catch Marian Rivera weeknights sa My Beloved sa GMA Telebabad. - GMA News