ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

5 sa 6 na anak ng hero dog na si ‘Kabang’, pumanaw


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dismayado ang amo ni “Kabang" sa pagkamatay ng lima sa anim na tutang isinilang ng tinaguriang “hero dog" ng Zamboanga City habang nasa pangangalaga ng City Pound. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabi umano ng beterinaryong nag-aalaga kay Kabang sa City Pound, na namatay ang mga tuta dahil hindi na sila makakain muna nang kumonti ang gatas na nanggagaling kay Kabang. Pero ayon sa amo ni Kabang na si Mang Rudy Bunggal, hindi niya nakita ang mga labi ng mga tuta. Noong nakaraang Biyernes, nagtungo umano siya sa City Pound at sinabihan siya na nasawi na ang tatlong tuta ni Kabang. Hiniling umano ni Mang Rudy na makuha na ang natitirang tatlong tuta pero sinabihan siyang bumalik na lamang sa Lunes. Ngunit pagbalik nito, isa na lamang umano ang buhay. Dahil dito, kinuha na ni Mang Ruby si Kabang at ang natitirang tuta. Hindi na rin umano niya ipagkakatiwala sa iba ang kanyang mga alaga. Una rito, iniulat na ililipad sa US si Kabang kapag maaari na niyang iwan ang kanyang mga tuta para ayusin ang napingas nitong nguso. Napingas ang nguso ni Kabang nang iligtas niya mula sa rumaragasang motorsiklo ang kanyang batang amo. -- FRJ, GMA News

Tags: kabang, herodog