Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Sheena Halili hurt by negative issues about friend Marian Rivera

April 27, 2012 3:34pm



Pang-limang proyekto na ni Sheena Halili kasama si Marian Rivera ang bagong dramedy series ng GMA-7 na Tweets For My Sweet.

Kuwento ni Sheena sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “First time ko siyang nakatrabaho sa Maynila. Silang dalawa ‘yon ni Dennis [Trillo], ‘tapos kapatid ako ni Dennis do’n.

“Dun pa lang, okay na siya sa akin, e. Naging okay na siya sa akin.

“Nung time na ‘yon, nangyari, yung mga accessories ko, naiwan ko sa Pampanga, sa bahay namin.

“So, wala akong accessories, e, kikay ako do’n sa role ko na ‘yon.

“So, ang ginawa niya [Marian], pinahiram niya ako ng accessories.

“From that situation, naging palagay na ako sa kanya."

Pagkatapos ng episode na iyon ay nagkasama silang muli sa mga teleseryeng Marimar at Amaya, at sa pelikulang One True Love.

At ngayon nga ay dito sa Tweets For My Sweet.

Sabi pa ni Sheena tungkol kay Marian: “Para siya talagang… hindi ko siya tinatawag na ate dahil hindi naman nagkakalayo yung edad namin, pero parang ate siya sa akin, e."

HURT FOR MARIAN. Dahil sa pagiging malapit nila sa isa’t isa, aminado si Sheena na nasasaktan siya kung may naririnig o nababalitaan siyang negatibong isyu tungkol kay Marian.

Ayon kay Sheena, “Nasasaktan ako para kay Marian kasi kilala ko siya, e.

“Kilala ko siya bilang kaibigan, kilala ko siya bilang artista, at kilala ko siya bilang Marian mismo.

“Totoo talaga siyang tao. Ipapakita niya talaga kung ano ang nararamdaman niya.

“So, alam mo ‘yon, minsan siguro hindi nila naiintindihan na siyempre bilang artista, importante rin na alam mo kung papaano mo ipagtatanggol ang sarili mo, kung paano mo poprotektahan ang sarili mo, di ba?

“Siguro sa ibang tao, hindi nila matanggap na… Hindi mo naman mapi-please lahat, e.

“Mahirap kung si Marian, e… hindi mo naman siya kailangang i-please.

“Kaya sigurdo dahil gano’n, hindi sila nagiging close kay Marian, so parang siguro… feeling ko lang, ha, alam mo ‘yon, kaya siguro nila sinisiraan dahil wala, e, wala naman silang… wala naman silang maibubutas kay Yan-Yan [palayaw ni Marian] talaga, e."

Sa palagay ba ni Sheena ay misunderstood lang o sadyang may mga naiinggit lang kay Marian kaya pinupukol ng mga negatibong isyu?

Misunderstood o may naiinggit sa kanya?

“Puwedeng misunderstood, puwedeng inggit, or ano…

“Puwede rin namang totoo na may nagawa siya dahil tao lang din naman si Yan-Yan, e.

“Yun naman talaga yung dapat maintindihan nating lahat—napapagod din tayong lahat, napupuno din tayong lahat, nawawalan din tayo ng pasensiya.

“Kaya nga may mga tao sa paligid natin kasi minsan hindi natin alam na tama o mali pala yung ginagawa natin.

“Siyempre si Marian, bigyan naman natin siya ng tsansa na magkamali din.

“Pero yung pagkakamaling ‘yon, huwag naman nating idiin dahil lahat naman tayo nagkakamali, e," pagtatanggol pa ni Sheena sa kaibigang aktres.

SHEENA’S DREAM. Mula nang gumanap siya bilang tatanga-tangang kaibigan ni Katrina Halili sa Marimar, si Monica, ay naging sunud-sunod na ang comedic roles na ginampanan ni Sheena sa telebisyon.

Bagamat tanggap na siya ng marami bilang isang comedienne at sa pagganap bilang best friend o kapatid ng bida, nangangarap din ang StarStruck alumna na makapaganap ng lead role.

Pagtatapat niya sa PEP, “Pinapangarap ko din naman ‘yon. Hindi naman ako magpapaka-ipokrita para sabihin kong ayoko, di ba?

“Oo, lahat naman ng artista nandito ‘yan dahil ‘pag nandun ka, ‘pag lead ka, maraming blessings, di ba? Mas maraming opportunity na puwedeng lumapit sa ‘yo.
“Pero ako, sa ngayon, masaya ako kung anong meron ako ngayon. Puwede ako dito, puwede ako dito…

“Tingnan mo dito [Tweets For My Sweet], kahit papaano ka-back-to-back ko si Marian, Tita Nova [Villa], Kuya Roderick [Paulate].

“So, bakit kailangan ko pang maging ganito para masabi na magaling kang artista, di ba?

“So, maganda rin naman yung kahit saan, kahit anong role, kahit anong character."

Isa pa sa gustong gawin ni Sheena ay ang makaganap sa isang dramatic role.

“Masaya ako sa career ko ngayon. Pero siyempre, meron pa ‘kong gustong ma-achieve.

“Gusto ko rin naman magkaroon pa ng mga challenging role… gusto ko mag-drama naman.

“Never… hindi naman never. Umiiyak naman, sa Amaya drama, di ba? Nagdrama din ako dun.

“Pero yung heavy drama, challenging sa akin.

“Etong Tweets…, challenge din siya sa akin, kasi nga English sinasabi dito.

“So, ibang challeng nga, drama talaga o maldita na maldita talaga."

Yung walang comedy?

“Oo… puwede namang sinusundan ng comedy, pero gusto ko talaga magseryoso din minsan."

Pero kung tutuusin, tila nahanap na ni Sheena ang niche niya sa showbiz—ang pagiging komedyana.

“Yun na nga, e, kaya sabi nila sa ‘kin… marami nagsasabi na suwerte ako, ganyan-ganyan.
“Ako din naman, nararamdaman ko naman yun ‘tsaka hindi ko na kailangang ilugar sarili ko dahil mismong yung Artist Center, alam nila kung san nila ako ilalagay.

“At alam nila ang kaya at hindi ko kaya.

“Pero siguro lahat naman tayo, kahit sa personal nating buhay, e, kung anong meron tayo, meron pa rin tayong gustong magawa at ma-achive.

“Siguro sa career ko, ganun din, meron akong gustong magawa, meron akong gustong patunayan. May gusto pa ako ma-achieve.

“May goal pa ako na hindi ko na… alam mo yun, wala pa dito ngayon. Parang hindi lang ako dito.

“Di ba, maganda rin yung mag-try ako ng iba’t iba… parang sa pagkain, maganda yung hindi palaging ganito."

Madali ba siyang magsawa sa pagkain?

“Ganto kasi… moody ako pagdating sa pagkain.

“Filipino food ngayon, di ba, ‘tapos kunyari favorite ko ngayon, sinigang—sinigang, sinigang… aaraw-arawin ko ‘yan.

“Pero meron akong araw na ayaw ko na siya. So, hahanapin ko na naman siya.

“Ngayon, kinahihiligan ko ngayon, milk tea. Na dati ayaw ko talaga ng milk tea.

“Pero nung isang araw, uminom ako ng milk tea. Sobrang every day hindi ako puwedeng hindi ako iinom ng milk tea.

“Pero alam ko darating din yung araw na ayaw ko na siya," saad ni Sheena. -- Erwin Santiago, PEP
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus