ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Aquino, mga manggagawa dadalo sa talakayan sa Malacañang


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakatakdang dumalo sa isang talakayan sa Malacañang si Pangulong Benigno Aquino III kasama ang ilang grupo ng mga manggagawa upang ipagdiwang ang Labor Day nitong Martes.   Magaganap ang talakayan sa Heroes Hall sa Malacañang sa Martes ng umaga.   Sa isang press briefing nitong Lunes, inihayag ni presidential spokesperson Edwin Lacierda na hindi pa niya alam kung ilang labor groups ang dadalo sa pagpupulong.   Noong nakaraang taon, 21 labor groups ang dumalo sa talakayan sa Malacañang kasama si Aquino.   “It is always good to talk, to dialogue with the groups. Definitely the President will hear out what their concerns are and that’s always part of the process,” ani Lacierda.   Ayon kay Lacierda, mayroong ihahayag na mabuting balita si Aquino para sa mga manggagawa, ngunit itinanggi pa niyang magbigay ng iba pang detalye upang hindi pangunahan ang Pangulo.   “There will be good news definitely…There are discussions on packages but let’s wait for the President to disclose all of them during the speech,” ani Lacierda.   Dagdag nito, susubukan ding sagutin ng administrasyon ang hinaing ng mga grupo.   “Those things that we’ll be able to address we will do so. And those things that will need further study, the President will delegate it to responsible officials. What’s important is that the President is going to meet with them, and for those groups to air their concerns,” ani Lacierda.   Inihayag ni Aquino nitong nakaraang Linggo ang pagkakaroon ng dagdag sahod para sa mga manggagawa sa gobyerno, ngunit hindi pa maliwanag kung kasama ang mga manggagawa mula sa private sector sapagkat nakabase ang kanilang mga sahod sa regional wage boards.   Ayon kay Lacierda, nais ng Pangulong Aquino na mabigyan ng productivity bonus ang mga manggagawa ng gobyerno. —AF/VS, GMA News