ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lani Mercado nagdadalamhati sa pagpanaw ng ina noong Mother's Day


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagdadalamhati si Rep. Lani Mercado sa pagpanaw ng kanyang inang si Justa Hernandez sa edad na 87 sa mismong araw ng Mother's Day noong Linggo. Naging malungkot ang Mother’s Day para sa pamilya ni Mercado dahil hindi nila inaasahan ang pagpanaw ng kanyang ina.   Sabi niya: "Pinili niya ang Mother’s Day. at saka ang 95th anniversary ng Our Lady of Fatima."  Kahit nalulungkot si Mercado sa nangyari, nagpapakatatag pa rin ito.   “Siguro gusto na rin ng Panginoon na magkasama ang Papa ko at saka ang Mama ko sa langit,” sabi niya.   “Kino-consider ko si Mama as my source of strength. Maaaring tahimik si Mama, hindi siya palaban, pero yung lakas niya nasa loob,” sabi ni Mercado.   Cerebral hemorrhage ang dahilan ng pagkamatay ni Nanay Justa na ipinasok noong Biyernes sa dahil sa matinding stroke.   Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa "Balitanghali" sa GMA News TV,  napakabuti, maalalahanin, at mapag-alaga ni Nanay Justa.   Ayon naman kay Senador Bong Revilla, asaw ni Mercado: “Napakabait ng Mama niya [ni Lani]… Very supportive, sobra niya akong mahal… maraming nanligaw kay Lani noon, pero sa akin, boto ‘yon.”   Nakiramay ang mga kaibigan ng mag-asawa sa showbiz at pulitika, kabilang na sina Phillip Salvador at Tirso Cruz III.   Sa Miyerkules ang huling misa para kay Nanay Justa.   Ayon kay Mercado, tutuparin niya ang huling hiling ng kanyang ina -- ang pag-cremate sa kanya.   Dadalhin ang abo ni Nanay Justa sa isang maliit na chapel ng kanilang pamilya sa Antipolo kung saan itatabi siya sa labi ng kanyang mga magulang. - VVP, GMA News  

Tags: lanimercado,