ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Annabelle Rama, kinasuhan na rin ng life partner ni Nadia Montenegro


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

May bagong reklamong kinakaharap ang talent manager na si Annabelle Rama. Naghain ng reklamong libel at unjust vexation laban sa kanya si dating Caloocan Mayor Macario “Boy" Asistio, life partner ni Nadia Montenegro. Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan sa Chika Minute nitong Martes, sinabi nito na humihingi ng danyos si Asistio ng P10 milyon bilang moral damages at P10 milyon para sa exemplary damages. Bunga umano ito ng mga mapanirang pahayag ni Annabelle sa isang panayam sa kanya sa telebisyon laban sa angkan ng Asistio. “Yung pamilya daw namin napulot lang sa lansangan… Asistio family ha. Mabuti po kung sinabi lang kayong mag-aama eh, Asistio family, ang laki ng pamilya namin dito sa Caloocan. Eh kung sa kanya ko kaya gawin yun," hinanakit ng dating alkalde. Nang tanungin kung ano mensahe niya kay Anabelle, tugon ni Asistio: “Sana makulong na siya para matigil. Kung hindi baka kung nasa labas pa ‘yon magdadadaldal pa. Humingi pa ng security, bakit? Eh sabi nila sila ang matapang eh biro mo kung sabihin… ‘wag na lang, ‘wag na lang. ‘Di bale mas masama yung madaldal eh ‘di ba." Sinubukan ng GMA News na makuha ang panig ni Annabelle pero hindi umano ito nagpa-interview. Pero sa kanyang Twitter account, sinabi ni Annabelle na hindi muna siya magkokomento sa mga nagdedemanda sa kanya. Bagkos ay pagtutuunan daw muna niya ang meeting ng kanyang talents. – FRJ, GMA News