ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Annabelle Rama, 'no comment' sa isinampang kaso laban sa kanya ni Boy Asistio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

"No comment" ang talent manager na si Annabelle Rama sa kanyang Twitter account ukol sa mga nagsasampa ng demanda laban sa kanya:

Sinampahan ng dating Caloocan Mayor na si Boy Asistio ng reklamo si Annabelle Rama noong Mayo 15. Nadadamay na raw ang angkan ng dating mayor sa away ng kanyang partner na si Nadia Montenegro at ni Annabelle. Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa "Chika Minute" ng "24 Oras," hindi raw nagustuhan ng dating alkalde ang mga binitiwang salita ni Annabelle sa kanyang interview para sa isang TV Show. Ayon pa kay Boy, sinabi raw ng talent manager na napulot lamang umano sa lansangan ang kanilang pamilya. “Asistio family, ah... Mabuti po kung kayong mag-aama, eh. Pero Asistio family, eh.  Ang laki ng family namin dito sa Caloocan,” sagot ni Boy sa naging pahayag ni Annabelle. Sinampahan ng dating alakade ng libel at unjust vexation si Annabelle. Ayon naman sa abugado ni Asistio na si Atty. Maggie Abraham, “Sobra yung embarrassment na naramdaman ng pamilya niya base doon sa mga defamatory statements.” Humiling ng P10 milyon si Boy Asistio para sa moral damages at P10 milyon para sa exemplary damages. Napilitan din umanong magbigay ng pahayag si Boy dahil maging sa Twitter, isang social networking site, pinatatamaan din ni Annabelle Rama (@annabellerama2) sa kanyang account ang dating alkalde. “Sana makulong na siya para matigil. Eh, kung hindi  baka kung nasa labas pa iyon magdadaldal pa, eh,” pahayag ni Boy. — Mac Macapendeg /LBG, GMA News