ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice Pempengco, hindi na kailangang magbigay ng advice kay Jessica Sanchez


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi na raw kailangang magbigay ng advice ng Pinay singing sensation na si Charice Pempengco kay Jessica Sanchez dahil gamay na nito ang pag-awit.   “I don’t think she needs my advice, she knows what she’s doing, and I know she’ll make it,” pahayag ni Charice.   Pasok sa Top 3 ng ‘American Idol’, isang US singing competition, ang contestant na si Jessica Sanchez kasama ang kanyang mga katunggaling sina Joshua Ledet at Phillip Phillips.   Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa Balitanghali, balak na rin pasukin ni Charice ang paggawa at pagsulat ng musika.   Matagal na raw gumagawa at nagsusulat ng mga awitin si Charice, pero mas tutok siya ngayon dito.   Gumagawa ng kanta ngayon si Charice para sa Filipina ‘The Voice’ contestant na si Chessa Laureta.   Aniya, “Right now, I wanna focus with Chessa. Soon, she’s coming here to the Philippines, kasi, my friend and I wrote a song for her. So, we’re collaborating.”   Noong nakaraang Linggo, naging laman ng mga balita ang pagbibiro ni DJ Mo Twister at ng mga kasama nito sa radio show, dahil sa paggawa nila ng isang hashtag na may pangalan ni Charice (#CharicePempengcoSexTape).   Gayunpaman, nagka-usap na si Charice at si DJ Mo hinggil sa naturang hastag, ngunit ayaw nang idetalye ng singing sensation ang kanilang naging usapan.   Gayundin, nagbigay din ng mensahe ang singing senstation sa kanyang mga haters.   “Here’s the thing. I mean, to all my haters, uhm, Hello,” biro ni Charice. — Mac Macapendeg/ELR, GMA News