ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Best Men hosts Jun V, Jace, at RJ sa 'Follow That Star'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
FOLLOW THAT STAR
BEST MEN HOSTS: RJ Ledesma, Jace Flores at Jun Veneracion
Airing date: May 19, 2012
 
Ngayong Sabado sa Follow That Star, kilalanin ang tatlong lalaking nagpapasaya tuwing Lunes ng gabi sa programang Best Men ng GMA News TV: sina  RJ Ledesma, Jace Flores at Jun Veneracion.
 
Produkto si Jace Flores ng reality game show ng GMA 7, ang Survivor Philippines. Lumaki si Jace sa Hawaii, pero ang hindi alam ng marami ay isa siyang proud  mama’s boy.  Natatandaan pa nga raw niya na pinupunasan siya ng pawis at hinahalikan ng kanyang mommy sa harap ng kanyang mga kaklase.  Bagamat very close siya sa kanyang nanay, sa edad na labing anim ay natutunan na rin  ni Jace ang maging independent.
 
Nagpapaayos ngayon si Jace ng kanyang sariling condo. Ito raw ang bunga ng kanyang pagsisikap sa showbiz.  Pero kahit busy sa kanyang schedule, naisisingit pa rin niya ang pagpunta sa gym at training sa  mixed martial arts o MMA.
 
Hindi na bago si RJ Ledesma sa showbiz. Bago pa man siya naging host ng Best Men, lumalabas na siya sa commercials at iba’t ibang programa sa TV. Pero bukod sa kanyang talent sa hosting, hilig din ni RJ ang pagsusulat. Siya ngayon ang tumatayong Editor-in-Chief ng isang magazine at isa rin siyang lifestyle columnist sa isang sikat na broadsheet.  Nakapagsulat na rin si RJ ng ilang libro.  Bukod diyan, isa rin siyang yoga instructor.
 
Pinatuloy ni RJ ang Follow That Star sa kaniyang bahay. Ipinakita niya ang kanyang koleksyon ng paintings. Ang pinakapaborito niya raw sa mga ito ay ang portrait ng kanyang asawa. Bukod sa paintings, nangongolekta rin si RJ ng comic books.
 
Ang batikang GMA News reporter naman na si Jun Veneracion ang bumubuo sa tatlong host ng Best Men. Ipinakita ni Jun sa Follow That Star ang buhay ng isang TV reporter at news anchor ng Balitanghali.   Ayon sa kanyang mga kasamahang reporter, kung sa harap ng  kamera ay seryosong-seryoso si Jun, kabaligtaran daw ito kapag wala ng kamera, makulit at palabiro raw si Jun.   Sa kanyang free time, hilig naman niya ang pagbibisikleta.
 
Sundan ang buhay sa likod ng camera ng tatlong hosts ng programang Best Men na sina Jace Flores, RJ Ledesma at Jun Veneracion sa Follow That Star  ngayong  Sabado, 7:55 PM sa GMA News TV.
Tags: plug