Cristine Reyes, hiniling na ibasura ang reklamong inihain laban sa kanya ng kapatid na si Ara Mina
Hiniling ni Cristine Reyes sa Quezon City Prosecutorâs Office na ibasura ang kasong libel at grave coercion na isinampa sa kanya ng kapatid na si Ara Mina dahil daw sa kawalan ng basehan. Sa counter affidavit na isinumite ni Cristine sa piskalya sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Heather Annang, iginiit nito na walang batas na nagsasaad na libelous ang pagpapadala ng text message gaya ng inirereklamo ni Ara. Kapwa hindi dumalo sa pagdinig na pinamahalaan ni investigating prosecutor Gibson Araula Jr. nitong Martes ang magkapatid na sina Cristine at Ara, na kinatawan naman ng kanyang abogado na si Atty. Elaine Marie Lacida. âText messaging is not characterized as a form of writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition or cinematographic exhibition," paliwanag ng kampo ni Cristine sa counter-affidavit. Ipinaliwanag din ng kampo ni Cristine na hindi kasama sa Article 355 ng Revised Penal Code (libel law), ang text messaging para magamit na basehan sa pagsasampa ng reklamong libelo. âText messaging could not have been contemplated by the framers of the Revised Penal Code to be included in the phrase âany other similar meansâ as this medium of communication is of recent origin," ayon sa depensa ni Cristine. Bukod dito, hindi rin umano libelous o nakasisira sa pagkatao ng kanyang kapatid na si Ara ang sinasabing mensahe na ipinadala umano niya sa mga kaibigan ng huli. Hindi rin umano totoo ang reklamong grave coercion, o pinilit o tinakot niya ang kanyang ate. âMy sister Ara is our source of strength and inspiration. I am making a conscious effort to reconcile with my Ate. My Ate has been an inspiration throughout my years in show business," paliwanag ni Cristine. âShe was the reason why I decided to pursue this career and I owe her a depth of gratitude for guiding me all throughout. Thus, it really hurts me and our family that the misunderstanding between my ate and I has reached this point,â dagdag nito sa kanyang counter-affidavit. Nag-ugat ang iringan ng magkapatid dahil sa umanoây pamimilit ni Cristine sa kanyang kapatid na si Ara na mabawi ang perang ibinigay nito bilang paunang pambayad sa bahay na kanilang binili para sa kanilang ina. (Basahin: Cristine Reyes, kinasuhan ng ate niyang si Ara Mina) Inaasahang magsusumite naman ng sagot ang kampo ni Ara sa affidavit ni Cristine sa susunod na buwan. â CC/FRJ, GMA News