ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagdami ng mga walang trabaho, dapat daw lutasin ng gobyerno


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinayuhan ng ilang kongresista ang pamahalaang Aquino na huwag balewalain ang pinakabagong resulta ng survey na nagpapakita na lalong dumami ang mga Pilipino na walang trabaho sa bansa. “The figures do not lie. How can the people survive with the President and an administration that is so inept, so unimaginative and so lazy and has nothing in mind but political vendetta," ayon kay House Deputy Minority Leader Rep. Milagros Magsaysay (Zambales). Ang tinutukoy ng kongresista ay ang pinakabagong survey ng Social Weather Station na ginawa nitong Marso 10 hanggang 13. Lumitaw dito na tatlo sa bawat 10 Pilipino o 34.4-porsiyento ng ang walang trabaho. Ang naturang bilang ay mas mataas ng 10 puntos (o 24 porsiyento) kumpara sa isinagawang survey noong Disyembre 2011. Ayon kay Magsaysay, ang patuloy na pagdami ng mga walang trabaho ay indikasyon ng kawalan ng liderato, pamamahala at long term policy ang pamahalaan ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III at kanyang Gabinete. Pangamba ng kongresista, hindi malayong magkaroon ng social unrest kapag nagpatuloy ang pagdami ng walang trabaho. Kasabay nito ang pagbatikos niya sa kawalan ng aksiyon ng pamahalaan para mapababa ang halaga ng mga bilihin. Maging si administration Rep. Teddy Brawner Baguilat Jr. (Ifugao) ay naniniwala na dapat kumilos sa lalong madaling panahon ang pamahalaan para tugunan ang mga pangunahing problema ng bansa. “The problem is that by trying to clean the red tape, the transparency measures have become the red tape," puna ni Baguilat, pinuno ng House Committee on National Cultural Communities. Para naman kay Agham party-list Rep. Angelo Palmones, dapat magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa problema ng kawalan ng trabaho ang gobyerno. “The increasing unemployment rate has been predicted six months from PNoy’s (President Aquino) assumption to office in 2010," paliwanag niya. Sinabi naman ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong, na dapat suriin ng pamahalaang Aquino ang programa ng gobyerno tungkol sa kawalan ng trabaho matapos lumabas ang survey ng SWS. - RP/FRJ, GMA News