ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

‘Padyak’ driver, inakusahang humalay sa isang minor de edad sa Dagupan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 12-anyos na babae ang nagreklamo ng panghahalay sa isang 33-anyos na drayber ng pedicab o ‘padyak’ sa Dagupan, Pangasinan. Kasama ang ina at kapatid, dumulog sa himpilan ng pulisya ng Dagupan ang biktimang itinago sa pangalang Jenny, residente ng lungsod, at grade 7 sa darating na pasukan. Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Roger dela Cruz, tubong Bonuan Binloc, at nahaharap sa kasong panggagahasa. Matinding galit ang nararamdaman ng ina ng biktima sa suspek na dapat umanong makulong upang hindi na muling makapambiktima. Batay sa kwento ni Jenny sa pulisya, tinawag siya ng suspek nang mapadaan siya sa bahay nito noong Lunes. “Hindi niya alam kung ano sasabihin niya. Hinila siya at dun ginahasa,“ ayon kay SPO1 Jailine Aquino, supervisor ng WCPD-PNCO, Dagupan police. Batay sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng medico legal kay Jenny, positibong hinalay ang biktima. Pero paliwanag ni dela Cruz, hindi niya pinuwersa ang biktima. Kusa umanong nagpunta sa kanyang bahay si Jenny at humihingi ng pera. “Ang pagkakamali ko, pinatulan ko siya." pagsisisi ng suspek. – CJTorida/ BVinluan/FRJ, GMA News

Tags: rape, pangasinan