Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Vic Sotto on rumored 'cool-off' with Pauleen Luna

June 13, 2012 3:43pm

Tags: Vic Sotto


Limang producers ang pumirma ng kontrata nitong Martes, June 12, para sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si ME na ilalahok sa Metro Manila Film Festival 2012.

Ang limang film producers ay ang OctoArts Films, Imus Productions, APT Entertainment, M-Zet Productions, at GMA Films.

Umattend sa contract signing sa UCC Café Greenhills sina Orly Ilacad ng OctoArts, ang magkapatid na Rowena Bautista-Mendiola at Andrea Bautista-Ynares ng Imus, Mr. Tony Tuviera ng APT, Vic Sotto ng M-Zet, at Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films.

JUDY ANN SANTOS. Doon na rin sa contract signing inanunsiyo ni Vic na si Judy Ann Santos ang leading lady nila ni Senator Bong Revilla sa pelikula.

Si Judy Ann siyempre ang ME sa titulo bilang Maria Esguerra ang pangalan ng karakter na gagampanan nito.

Hindi naman daw sila nahirapan na kunin ang aktres nang ipinaliwanag nila ang role na gagampanan nito sa pelikula.

Sabi ni Vic, “Si Juday naman, hindi mo puwedeng tawaran ang kakayahan niya. She’s a Box-Office Queen, we know that.

“Sa Metro Manila Film Festival, ilang beses din kaming nagkatapat.

"And Juday is Juday—she has a very big following lalo na sa mga babae, sa mga kabataan din.

“And we made sure na ang karakter niya rito would be at par with Agimat and Enteng Kabisote."

Ipinaliwanag na rin doon ng production designer ang set at mga costume na isusuot ng bawat karakter na gaganap sa naturang pelikula.

Sa paliwanag pa lang ng production designer ay mukhang matindi ang gagastusan ng produksyon.

Sabi naman ni Bossing Vic tungkol dito, “Pikit-mata na lang na titirahin namin ito ni Senator Bong.

“Kasi, paano mo malagpasan yun ginawa namin noon, siyempre daanin sa production, daanin sa istorya…

“At higit sa lahat, mag-introduce ng bagong karakter na makakadagdag at makakasalamuha namin ni Agimat," paliwanag nito.

Unang nagsama sina Bossing Vic at Senator Bong sa Si Agimat At Si Enteng Kabisote, na naging top-grosser noong Metro Manila Film Festival 2010.

PAULEEN LUNA. Hindi na rin naiwasang itanong kay Bossing Vic kung kasali rin ba si Pauleen Luna sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si ME.

Nagkaroon kasi ng cameo role si Pauleen sa nakaraang pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas, ang Enteng ng Ina Mo.

“Kung may magandang role, bakit hindi?

“Titingnan natin kung may magandang role na puwede sa kanya. Bahala na.

“Ang mga Dabarkads naman, hindi mawawala yun, e," maingat na sagot ng comedian-TV host.

Alam niyang tutuloy na sa napabalitang relasyon nila ni Pauleen ang susunod na tanong namin, pero kaagad kaming sinabihang wala siyang sasagutin.

Ngunit sinundan pa rin namin ng tanong tungkol sa lumabas sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star na “cool-off" na raw sila ni Pauleen.

Sagot niya, “Hindi ko alam yun. Tawagan n’yo si Ricky Lo, siya ang tanungin n'yo kung saan nanggaling yun.

“Sometimes, hindi mo maintindihan kung saan nanggagaling yung mga… kung anu-ano ang mga nadidinig mo, e.

"Natatawa na lang ako. Ang importante, alam n’yo naman kung ano ang tunay na nangyayari."

Naniniwala si Bossing Vic na maiintindihan siya ng fans niya kung bakit nananatili siyang tahimik pagdating sa kanyang lovelife.

“Sabi n’yo nga, less talk, less intrigues, di ba?

“Siguro ang mga tao, maintindihan naman nila if I don’t want to talk about it, or if I don’t want to talk about that.

“I don’t think they will take it against me if I don’t want to talk about it."

Sabi pa niya, “If I want to keep something’s private, hindi naman magbabago sa ekonomiya ng Pilipinas yun, e, kung ano ang mangyayari sa lovelife ko."

BOSSING FOR MAYOR? Sinagot na rin ni Vic ang kumalat na isyung balak daw niyang tumakbong mayor ng Quezon City, na ikinatakot pa nga raw ni Mayor Herbert Bautista.

Saad niya, “Just the fact that Senator Bong and I are doing a movie for the Metro Manila Film Festival, e, siguro yun na ang sasagot dun sa katanungan kung ako’y tatakbong mayor o senador.

“Hindi naman puwede yun kung tatakbo ako, e.

“Ang filing nun is October. ‘Pag nag-file ka na, effective nun, hindi ka na puwede, e.

“I think ganun yun, di ba?

“Parati naman may offer, e. But I can be of help to our people without entering politics." -- Gorgy Rula, PEP

Tags: Vic Sotto



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus