Dolphy, mabuti na ang kalagayan; nakakahinga nang mag-isa
Bumubuti na ang lagay ng kalusugan ng Comedy King na si Dolphy, ayon sa kanyang anak na si Eric Quizon.
Ayon sa actor-director, inalis na ang ventilator na nagdadala ng oxygen sa baga ng kanyang ama.
"It's all good signs at the moment. Kaya ngayon ang pamilya Quizon, medyo nakakahinga na ulit kami kasabay ng dad namin," kwento ni Eric.
“Ngayon okay na 'yong potassium level niya, wala na siyang pneumonia and he's breathing on his own. This is actually really good news for us," dagdag niya.
Bagaman mabuti na ang lagay ni Dolphy, sinabi sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, na patuloy na inoobserbahan ang beteranong komedyante sa Intensive Care Unit (ICU).
Unang napaulat na isinugod sa ospital si Dolphy noong nakaraang linggo dahil nahirapan itong huminga at bumaba ang kanyang potassium level.
Ipagdiriwang ni Dolphy ang kanyang ika-84 taong kaarawan sa susunod na buwan.
Nagpasalamat ang pamilya ng aktor sa mga nagpaabot ng panalangin sa kanyang paggaling. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement