Perang ibinibigay ng govt sa mga mahihirap, dapat daw paghirapan
Dapat na umanong repasuhin ng pamahalaang Aquino ang Conditional Cash Transfer (CCT) program o ang pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga mahihirap na Pilipino.
Ayon kay Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila, ang patuloy na pagdami ng mga naghihirap at nagugutom ay patunay na hindi epektibo ang CCT program para masolusyunan ang problema sa kahirapan.
Mula nang unang ipatupad ang program sa ilalim ng administrasyong Arroyo, at ipagpatuloy ng kasalukuyang pamahalaan, sinabi ni Pascual na umabot na ang pondo ng CCT program sa P80 bilyon.
Ngayong 2012, umabot sa P39.5 bilyong ang pondo para sa programa, at sinasabing palolobohin sa P45 bilyong sa 2013.
Ayon kay Pascual, nananatili ang posisyon ng Simbahang Katoliko na tutol sa CCT program dahil hindi ito nakapagbibigay ng motibasyon sa mga tao na magtrabaho o magbanat ng buto para kumita.
Sa ilalim ng programa, may matatanggap na buwanang pinansiyal na tulong mula sa gobyerno ang mga mahihirap na pamilya na may mga anak na dapat pag-aralin sa elementarya.
“Alam naman natin na hindi ito tumutulong na maturuan ang tao na magtrabaho at nagiging dependent ang tao sa gobyerno. Imbes na tumayo sa sariling paa, aasa na lang sa gobyerno," paliwanag ni Fr Pascual sa panayam ng Radio Veritas.
Sa halip na basta na lamang bibigyan ng pera, mas makabubuting bigyan umano ng trabaho ang mga mahihirap upang hindi tuluyang umasa sa bigay ng pamahalaan.
“Maraming hanapbuhay na magagawa ang gobyerno at hindi social lamang ang condition or welfare. Ang sa akin talaga, paghirapan, pagtrabahuhan ang kanilang kikitain," paliwanag ng pari.
Tiniyak naman ni Pascual na ginagawa ng Simbahan, partikular ng Caritas Manila ang paghubog o pagbago sa asal ng mga mahihirap tungkol sa dignidad at pera. - MP/FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement