Dolphy, kinailangang salinan ng dugo dahil sa pagbaba ng hemoglobin
Nananatili sa intensive care unit (ICU) at inoobserbahan ang kalusugan ng Comedy King na si Dolphy mula nang dalhin ito sa Makati Medical Center noong nakaraang Sabado, June 9.
Sa panayam ni showbiz reporter Nelson Canlas sa actor-director na si Eric Quizon, anak ni Dolphy, sinabi nito na kinailangang salinan ng dugo ang kanyang ama dahil bumaba ang hemoglobin nito.
Ang hemoglobin ang nagdadala umano ng oxygen mula sa baga papunta sa iba’t-ibang parte ng katawan ng tao, paliwanag ni Nelson sa kanyang ulat sa GMA News 24 Oras nitong Martes.
Pero paliwanag ni Eric, hindi naman maraming dugo ang kailangang isalin sa kanyang ama.
Ang isang pack umano ng dugo ay hinati sa apat na bahagi na isasalin kay Dolphy sa bawat ika-apat na oras.
Dinala si Dolphy sa ospital noong nakaraang Sabado, June 9, matapos na dumaing na nahihirapang huminga.
Sinusubukan din umano kung gaano katagal makakahinga na mag-isa si Dolphy nang walang tulong ng respirator.
"Naka-respirator siya ngayon, susubukan uling tanggalin; titingnan kung gaano katagal uli siya makakatagal (na makahinga na mag-isa), tapos ibabalik uli 'yon," paliwanag niya hanggang sa matiyak na hindi na nito kakailanganin ang respirator.
Ayon kay Eric, kahit hindi nakapagsasalita dahil may nakalagay sa bibig, nagagawa pa rin namang makipag-ugnayan ng kanyang ama sa mga bumibisita sa kanya.
“Kapag may sinasabi kami nagre-react siya. Minsan ngumingiwi, dumidila, tinataasan kami ng kilay, mga ganun," masayang kuwento ni Eric. - FRJimenez, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement