ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Direk Mario O'Hara, pumanaw na
By MAC MACAPENDEG, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
(Updated 2:35 p.m.) - Pumanaw nitong Martes, Hunyo 26, ang theater at film director na si Mario O'Hara dahil sa sakit na leukemia, ayon sa kanyang kapatid na si Jerry O'Hara.
"Oo, patay na siya," kinumpirma ni Jerry sa panayam ng GMA News Online sa kanya sa telepono. Kamakailan lang ay dinala si Mario sa ospital para sa chemotherapy. Si Mario ay pumanaw sa edad na 66, ayon sa Tanghalang Pilipino, ang teatro kung saan siya ay bahagi bilang isa sa mga cast at manunulat ng mga palabas. Mga pelikula
Kilala si Mario O'Hara sa kanyang mga pelikulang “Tatlong Taong Walang Diyos” (1976), “Condemned” (1984), “Bulaklak ng City Jail” (1984), at “Babae sa Breakwater” (2003).
Kilala rin siya na manunulat ng screenplay ng mga pelikula na humakot ng award tulad ng “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” (1974) at “Insiang” (1976), kung saan ang National Artist for Film na si Lino Brocka ang direktor.
Ang huli niyang pelikula ay ang 2010 Cinemalaya film na “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” na pinagbidahan ni Alfred Vargas bilang Supremo.
Sinulat din niya ang “Stage Show,” isang musikal na magiging bahagi ng ika-26 na season ng Tanghalang Pilipino sa taong ito.
Pakikiramay mula sa mga alagad ng sining
Nagluluksa ang mga kilalang personalidad sa showbiz sa pagpanaw ng isa sa mga haligi ng industriya, at nagpahayag ng kanilang mga saloobin sa kani-kanilang social media accounts.
Ayon sa Facebook account ng aktor na si Bernardo Bernardo, "SAD NEWS FROM CHERRY BONG Z. EDRALIN: Acclaimed Actor-Writer-Director MARIO O'HARA passed away today... Please pray for his family and friends..."
Nagpahayag naman ng kalungkutan ang direktor na si Joey Javier Reyes sa kanyang Twitter account. Aniya, "@DirekJoey: After Tony Espejo, now Mario O'Hara has left us. A day of such sorrow and mourning."
Nag-tweet din ang batang direktor na si PepeDiokno: "Saddened by Mario O'Hara's passing. What a loss for our cinema. Let's please have a retrospective of his work." Pahayag naman ng National Commission for Culture and the Arts: "@NCCASining: The NCCA joins the nation in mourning the passing of Mario O'Hara, actor, director, writer, a giant of Philippine theater and film." Isang kapwa direktor ang nagpahayag sa pamamagitan ng kanyang anak na si Marc Abaya: "Rest in peace Mario O'Hara. From your great admirer, Marilou Diaz Abaya." Mula sa larangan ng teatro, nag-tweet ang theatre critic na si Gibbs Cadiz: "We just lost another national treasure. Rest in peace, Mario O'Hara--Renaiss ance Man, the last of a breed." –KG/YA, GMA News
Tags: marioohara
More Videos
Most Popular