Jessica Sanchez, sinimulan na ang recording para sa kanyang album
Busy umano ngayon ang 16-anyos na "American Idol" runner-up na si Jessica Sanchez para sa nalalapit na "American Idol Live! Tour," at dahil nagsimula na rin ang recording para sa kanyang album, ayon sa Twitter account ng Filipino-Mexican-American singing sensation. "At the stuuuuudio... recording some amazing tracks for the upcomnig album ;) <3," ayon sa kanyang tweet noong Hunyo 27, 2012 (Manila time). Nagpahayag naman ang mga Filipino fans ni Jessica ng kagalakan dahil pahayag ng kanilang idolo sa kanyang Twitter. Maliban dito, patuloy pa rin ang pag-e-ensayo ni Jessica para sa concert tour ng American Idol. Aniya, "Rehearsing for the #idoltour. Cannot wait to perform this for everyone!" First runner-up si Jessica sa 11th season ng American Idol, isang reality singing competition, kung saan si Phillip Phillips ang nagwagi bilang pinakabagong American Idol. Ayon sa opisyal na website ng American Idol, magsimula ang concert tour sa Hulyo 6 (US Time). Makakasama ni Jessica ang iba pang Top 10 ng American Idol Season 11 na sina Colton Dixon, DeAndre Brackensick, Elise Testone, Erika Van Pelt, Heejun Han, Hollie Cavanagh, Jessica Sanchez, Joshua Ledet, Phillip Phillips, at Skylar Laine. Sa Detroit, Miami ang unang araw ng Idol tour. Bukod dito, gaganapin ang tour sa halos 46 na lugar, kabilang na ang Pilipinas. Nakatakdang magtatanghal ang American Idol finalists dito sa Pilipinas sa Setyembre 21, 2012 sa Smart Araneta Colliseum sa ilalim ng Ovation Productions Manila. — LBG, GMA News